bc

Mafia Boss: Gunner Mondego (Filipino)

book_age16+
38.0K
FOLLOW
308.4K
READ
revenge
possessive
dominant
manipulative
powerful
mafia
drama
comedy
highschool
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Gunner Mondego is one of the most successful businessman in the whole world. He also known as the notorious and powerful Mafia Boss, who doesn't have any mercy to kill anyone. A ruthless one. A killer. An arrogant and cold in whoever it is around him. He doesn't know the word, love.

Azariah Cadiente, she's one of a kind. A kindhearted woman, an angel sent from above. A woman who knew how to appreciate many things in this world. A woman who taught how to love and knew the word, love.

Their world is very different. Azariah wants a peaceful and happy life. While, Gunner is the Mafia Boss who has a shadow of death.

What will happen if they bumped in each other? Will they feel the magic of love?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Azariah's POV Simula nang mamatay si itay sa isang aksidente ay dito na kami tumira sa tiyuhin ko na kapatid ng nanay. Lahat ng raket ay pinapasukan ko magkaroon lamang kami ng pagkain sa hapag-kainan namin sa araw-araw. Ang tiyuhin ko kasi ay isang sugarol at nakaasa lamang din sa akin. Si nanay naman ay mananahi. Lagi lang siya dito sa bahay at kung minsan ay may dinadaing na rin na sakit sa kaniyang katawan. Palabas ako ng kwarto ko nang marinig ang sunod-sunod na pag-ubo ng nanay. Napabuntong-hininga ako at tiningnan ang laman ng wallet ko. Tatlong daan na lamang ang laman nito. "Nay," tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako at ngumiti na tila walang iniindang sakit. "Ibibili kita mamaya ng gamot ha." "Huwag na anak. Gagaling rin ako. Para ubos lang 'to!" Ani niya na bahagya pang natawa. Napailing ako sa tinuran niya. Ayaw niya talagang gumagastos ako pagdating sa gamot niya. "Ubo yan na pwedeng lumala kapag hindi naagapan, 'nay..." "Wala pa bang pagkain?!" Halos mapatalon ako sa gulat at takot nang sumalubong sa amin ang matalim na tingin ni tito. "M-meron na diyan. Hindi mo naman kailangang manigaw." Mahinang sambit ni nanay. Siya ang panganay pero hinahayaan niyang sigaw-sigawan siya ng nakababata niyang bunsong kapatid. "Ikaw, Azariah! Sumama ka sakin mamaya at may raket na ibibigay ako sayo." Nakangisi niyang sambit. Lumingon ako sa nanay nang tumayo siya at lumapit sakin. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya habang umiiling kay tito. "Maawa ka naman sa anak ko..." Paiyak niyang sambit habang nakaharang sakin ang katawan niya. "Tsk! Huwag n'yo nga akong dramahan na mag-ina. Hindi n'yo ko madadaan sa iyak ninyo!" Duro niya samin bago bumaling ang matatalim niyang mata sakin. "At ikaw, siguraduhin mong maaga kang uuwi mamaya. Kundi, malilintikan ka sakin." Tumango na lamang ako para matapos na ang usapan. Ang nanay naman ay niyakap ako ng mahigpit at tila takot na takot. "Nay, raket lang 'yon. Extra income din 'yon kaya wag ka nang umiyak. Wala namang gagawin na masama ang tito sakin," umiling-iling siya sa sinabi ko at mas lalong hinigpitan ang yakap sakin. Hinagod ko ang likod niya. "Sige na 'nay, male-late na ko. Mamaya bibilhan kita ng pasalubong ha? Huwag ka nang umiyak." Bumitaw siya sakin at tahimik siyang pumanhik sa ikalawang-palapag ng bahay. Napahinga ako ng malalim. Nilagpasan ko nalang ang tito para makaalis na. May raket ako ngayon at sayang 'yon kung hindi ko mapapasukan. Sumakay ako ng jeep at nagbayad. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang takot ni nanay. Ipinilig ko ang nasa isipan ko at pumara. Bumaba ako mula sa jeep at tinakbo ang tindahan ni Aling Nene. Paniderya ito at ako ang tindera niya ngayong araw. Ang sahod ko dito ay ang siyang ibibili ko ng gamot ni nanay. "Hi, Riah! Lalo kang gumaganda ngayon ah." Bati ni Berting na ikinailing ko. "Matagal na kong maganda. Ano bibilhin mo?" "Bente pesos lang na pandesal at saka ikaw sana." Sabi niya sabay kindat sakin. Gusto kong sukahan ang mukha niya sa mga oras na ito. Feeling gwapo masyado mukha namang kurimaw! "Oh, ayan na pandesal mo. Akin na yung bayad mo," pagsusungit ko na ikinatawa lang niya. Inabot niya sakin ang singkwenta pesos na buo at sinuklian siya agad ng trenta pesos. Kinikilabutan ako sa presensya niya lalo sa mukha niya. Marami pang mga bumili kaya't naging busy ako sa maghapon. Halos paubos na ang paninda ko nang may pumarada na isang magarang sasakyan sa hindi kalayuan. Halos lumuwa ang mga mata ng tao nang makita ang mamahaling sasakyan. Napailing ako at minabuting maglinis na lamang para maaga akong makauwi. "Huy, Riah! Ikaw yata ang tinitingnan ng lalaking gwapo na nasa loob ng sasakyan." Kinikilig na sabi ni Fiona na nakatambay sa harap ng paniderya. Lumampas ang tingin ko at kitang-kita ko ang malamig at matalim na tingin ng isang lalaking hindi ko makita ng mabuti ang itsura. Nagtataka ako kung bakit parang galit ang mga matang iyon sa akin. Ibinaba agad ang bintana ng sasakyan at dahil tinted iyon ay hindi ko na nakita ang mukha ng estranghero. "Ay. Umalis tuloy si pogi. Ikaw kasi Riah, tiningnan mo pa." Nanghihinayang na sabi ni Fiona. Napailing ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi ko na inisip ang mga titig ng lalaking iyon. Basta alam kong wala akong nakagalit o ginawan ng masama. Nang sumapit ang ala-singko ng hapon ay sinundo ako ng tito ko. Nagtataka ako kung bakit gabi ang raket na sinasabi niya. "Tito, bakit po gabi?" "Dami mong tanong! Manahimik kana lang at gawin ang iuutos ko," may kinuha siya sa bag niya at inabot sakin. "Oh ayan, mineral. Inumin mo at baka mauhaw ka mamaya," kinuha ko iyon at muli ay may inabot siya sakin. "Ito ang card. Nakasulat diyan kung anong kwarto ang papasukin mo. Ang kailangan mo lang gawin doon ay i-massage si Mr.Chao. At kung ano ang mga iuutos niya ay gawin mo nalang." Tumango ako sa kanya at kinuha ang card na sinasabi niya. Mula sa tricycle na pagmamay-arj ng tito ay bumaba ako. Dito daw sa 555 Hotel ang raket ko. "Ayusin mo trabaho mo, Azariah. Huwag mo kong ipapahiya." "Opo," sagot ko bago lumakad papasok ng hotel. Kinakain ng kaba at takot ang dibdib ko, pero dahil naiisip ko ang kalagayan ni nanay ay mas nananaig ang lakas ng loob dito. Ininum ko ang tubig na binigay ni tito. Halos makalahati ko iyon para mas gumaan ang dibdib ko nang makaramdam ako ng hilo. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit. Nang imulat ko ang mga mata ko ay sobrang labo na ng nakikita ko sa paligid. Bago ako bumagsak ay may sumambot na sa katawan ko. Pilit kong inaaninang ang mukha ng may hawak sakin ngunit kinain na ako ng kadiliman. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Sumalubong sa akin ang kadiliman. Natataranta akong bumangon mula sa pagkakahiga. Dahil madilim ay hindi ko masyadong makita ang nasa paligid ko. Bumaba ako mula sa kamang kinahihigaan ko at nangapa sa dilim. Bumaha ang ilaw sa buong kwarto dahil sa may nag-on ng ilaw. Napapikit ako ng ilang ulit bago nasanay sa liwanag. Kita ko ang isang lalaki na nakatayo sa hamba ng pintuan. May itsura siya pero aaminin kong iba ang pakiramdam ko sa kanya. Nakakatakot siyang tumingin. Para niya akong kakainin ng buhay habang gumagapang ang kanyang mga mata sa kabuuan ko. Napaatras ako nang magsimula siyang lumapit sakin. Ngumisi siya sa ginawa ko at mas binilisan ang paghakbang papunta sakin. Sumampa ako ng kama at tinawid ang kabilang direksyon. Ngunit dahil malalaki ang hakbang nya ay nahagip niya ang braso ko na ikina-ngiwi ko. Sa lakas ng pag-hila niya sakin ay tumilapon ako sa headboard ng kama. Mas lumukot ang mukha ko dahil sa sakit nang tumama ang likuran ko sa matigas na headboard. Sinabunutan niya ako ng marahas at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Amoy ko ang pinag-halong sigarilyo at alak mula sa kanya. "Tatakas ka pa ha?! Hinding-hindi ka na makakatakas dito! Dahil binenta kana sakin ng tito mo!" Humigpit ang hawak niya sa buhok ko na halos mapunit na ang anit ko. Kahit nasasaktan ay nagawa ko pa rin na makipagtitigan ng matalim sa kanya. Lalaban ako kahit na ano ang mangyari. Hindi ko hahayaang mag-tagumpay ang demonyong ito sa binabalak niya. "Hayop ka! Buhay ka pa sinu-sunog na sa impyerno ang kaluluwa mo! Pakawalan mo ako dito! Wala kang mapapala sakin!" Galit kong sigaw sa kanya kasabay ng panlilisik ng mga mata ko. "May mapapala ako sayo babae! Kaya nga kita binili para may laruan ako," naka-ngisi niyang sambit bago tumawa na parang demonyo sabay hablot sa damit ko dahilan para mapilas ang laylayan niyon. Sa galit ko ay tinadyakan ko ng malakas ang hinaharap niya. Napabitaw siya sakin at mabilis naman akong tumayo at umalis sa kama. Hindi ko na ininda ang kumikirot kong likod. Ang mahalaga ay makatakas ako. Tumakbo ako sa isang lamesita at kinuha ang malaking flower vase doon. Tiningnan ko ang demonyo at hanggang ngayon ay namamalipit pa rin sa sakit. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at malakas kong hinampas sa ulo niya ang vase na hawak ko. Bagsak ang katawan niya sa sahig. Nabitawan ko ang vase na hawak ko nang makita kong may umaagos na dugo mula sa lalaki dahilan para mag-kulay pula ang sahig. Nanginginig kong tinitigan ang mga kamay ko bago napaluha. Hindi ko siya pinatay. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko. Napasabunot ako sa sarili dahil sa hindi malamang gagawin habang tinititigan ko ang mas dumaraming dugo sa sahig. Napatalon ako sa gulat nang may kumalabog sa pintuan. Napatingin ako doon at nataranta nang may pilit na binubuksan ang doorknob. Isang kalabog pa bago ako nakakilos. Mabilis akong lumapit sa sliding window at binuksan iyon. Napamura ako ng ilang ulit nang makita ko kung gaano kataas ang kinalalagyan ko ngayon. Tingin ko ay hindi lang ako nasa sampung palapag, tantiya ko ay nasa ika-labing lima o higit pa. Sunod-sunod na kalabog pa ang narinig ko bago ako pikit-matang sumampa sa bintana para makatakas. Humawak ako ng mabuti sa bintana at inilabas ko ang paa ko at ipinatong sa isang simentadong hindi ko alam kung ano. Sinilip kong mabuti kung may pwede akong bagsakan at napa-ngiti ako nang makita kong may veranda lang sa ibaba. Unti-unti akong kumapit sa mga pwedeng kapitan bago dumausdos pababa sa veranda. Saktong pag-bagsak ko sa malamig na simento ay narinig kong nabuksan na ang pintuan sa itaas. Kahit may takot sa dibdib ko ay nagmadali akong kumilos at sumilip sa sliding door na pinagbagsakan ko. Hindi iyon nakasara kaya nakapasok agad ako. Inilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kwartong kinalalagyan ko ngayon. Maayos pero mukhang wala atang tao. Mabilis akong lumabas sa kwarto at napunta ako sa sala, tama nga ako. Walang tao. Dumiretso ako sa main door ng condo na ito para makaalis na. Pero nang buksan at sumilip ako ay ganun nalang ang takot ko nang may makita akong mga pulis na tingin ko ay nag-iikot sa bawat kwarto. Naisip ko yung demonyong lalaking hinampas ko ng vase kanina, hindi kaya.. Shit! Mabilis kong isinara ang pintuan at ni-lock ko iyon. Bumalik ako sa kwarto ng may-ari ng condo na ito at naghanap ng pwedeng ipamalit na damit. Puro panlalaki kaya no choice.. Kinuha ko ang isang malaking polo, hinubad ko damit kong sira na, bago isinuot ang kinuha kong polo. Umabot hanggang kalahati ng hita ko ang haba nito. Binuksan ko ang tatlong butones ng polo at ibinuhaghag ko ang buhok ko na parang bagong bangon lang mula sa kama. Lumapit ako sa tukador at naghanap ng pwedeng ilagay sa mukha ko. Napakunot ang noo ko nang makita kong may isang make up kit at may iilang lipstick ang nandito. Puro panlalake ang nasa cabinet pero may mga pambabaeng gamit dito sa tukador? Oh, great! He's a gay! Naglagay ako ng light make up at red lipstick, looking hot and seductively. Kahit hindi ako sanay na nagsusuot ng ganito ay kailangan kong gawin. Para ito sa kapakanan ko. Isang sulyap pa sa salamin bago ako lumabas ng kwarto at naupo sa couch na nasa sala. Pinakiramdaman ko ang paligid hanggang sa marinig ko na may nag-doorbell. Inayos ko ang sarili ko at huminga ng malalim bago lumapit sa pintuan. Binuksan ko iyon at ngumiti sa tatlong pulis na nabungaran ko. Ngiting mapang-akit. Ngiting mahi-hipnotismo ka. Ngiting isang anghel na walang alam at inosente. "What can I do for you guys?" I ask them seductively. Hinawi ko pa ang buhok at ipinakita ang maputi kong leeg na ikinatulala nila. Napangisi ako ng lihim nang makita ang bahagya nilang tulakan. Mas ngumiti ako sa kanila nang sabay-sabay pa silang nag-salita. "W-wala po Ma'am." Nautal pa sila kaya muntik na akong matawa. Tumango ako sa kanila at binigyan pa sila ng isang mapang-akit na ngiti bago nila ako talikuran. Napabuga ako ng hangin bago ko hinawakan ang doorknob ng pintuan para isara pero bago 'yun ay may isa ng lalaki ang nagmadaling pumasok at hinablot ang braso ko. Napangiwi ako sa sakit at higpit ng pagkakahawak niya. Nagtama ang mga mata namin at halos mangatog ang tuhod ko nang masilayan ang matatalim at nagbabaga niyang mga mata. Ito palang ang ginagawa niya sakin ay pinangangatugan na ako sa takot. "Who the fuck are you?!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.2K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.6K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
341.7K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

YOU'RE MINE

read
892.8K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
343.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook