Chapter 2

1857 Words
Azariah’s POV            ISANG LINGGO na akong nakakulong sa malaking mansion na ito. Walang makausap kung hindi ang sarili ko lang. Kumpleto sa gamit, maraming pagkain na hindi ko alam kung sino ang nagdadala, lagi ko nalang nadadatnan sa magarang kusina ng mansion na ito ang msasarap na pagkain sa tuwing umaga. Ngunit wala namang ibang tao ang narito. Sa buong lingo kong pananatili rito ay ni anino ng isang tao ay wala akong nakita. Mas dumoble ang lungkot sa mansion na ito. Nakakaramdam din ako ng takot dahil ‘tila ba sa bawat sulok ng bahay na ito ay may mga matang nakatingin sa ‘yo kahit wala naman. Lumabas ako sa kwarto kung saan ako nagising nung unang araw ko rito sa mansion. Simula noon ay ditto na ako natutulog. Lumakad ako papunta sa hagdan para bumaba sa malawak na sala. Hindi pa rin nawawala ang pagkamangha ko sa kabuuan ng mansion na ito. Para akong nasa isang museum dahil sa naglalakihang magagandang painting. Mayroon din na family painting pero ako sigurado kung sila ba ang may-ari nang mansion na ‘to. Nang makababa ako sa magarang sala ay agad kong nilapitan ang isang malaking picture frame na nakasabit sa dingding. Pinakatitigan ko ang limang lalaking nasa litrato. Walang itulak kabigin sa limang lalaking ito. Lahat ay makalaglag underwear. Tinitigan ko ang nasa gitna nila, siya ang antipatikong nagdala sa akin dito sa mansion dahil siya lang naman ang huli kong kasama. At siya rin ang nagtakip sa ilong ko kaya nawalan ako ng malay. Makalabas lang ako sa mansion na ito ay ipapa-pulis ko siya! Lumakad ako papunta sa kusina. Pagpasok ko ay inaasahan ko na ang pagkain na dadatnan ko at hindi nga ako nagkamali. Ngayon ay isang box naman ng pizza ang nasa ibabaw ng lamesa. Nilapitan ko iyon at kinuha bago muling bumalik sa sala. Ipinatong ko sa isang lamesita ang  box ng pizza bago naupo sa malambot na sofa. Napahawak ako sa noo ko dahil naalala ko ang inay. Malamang na sobra na ang pag-aalala niya sakin lalo na at isang lingo na akong hindi umuuwi. Inaalala ko ang mga gamot niya na dapat ay bibilhin ko. Ang pasalubong pa niya. Tulala akong nakatitig sa main door ng mansion. Kung sana ay kaya kong wasakin ang malaking pinto na yan ay matagal na sana akong nakalabas  dito. Isa ko pang inaalala ay ang tito kong demonyo. Baka kung ano ang gawin niya kay inay dahil sigurado akong alam na niya ang ginawa ko kay Mr.Chao. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang box ng pizza at kumuha ng isang slice. Kinagatan ko ‘yon ng malaki at muling ibinalik ang mga mata ko sa limang lalaking nasa litrato. Tinitigan ko ng matalim ang lalaking nasa gitna habang pinapatay siya sa isipan ko. Kung hindi niya ako kinulong dito ay sana nakauwi ako. Nabilhan ko sana ng gamot ang inay. Itatapon ko sana sa sahig ang pizza na kinagatan ko dahil naiinis ako nang makarinig ako ng sabay-sabay na pagkasa ng baril. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko nang makita ang apat na lalaki na nasa harapan ko ngayon at nakatutok ang mga nguso ng baril sakin. Ni hindi ko man lang napansin ang pagpasok nila dahil sa lalim ng iniisip ko. “Who the hell are you?” Pakinig kong tanong ng isa. Nakaramdam ako ng takot at kaba para sa sarili ko. Anong laban ko sa apat na lalaking may mga armas? Nabitawan ko ang pizza na kinakain ko bago dahan-dahan na tumayo at itinaas ang dalawa kong kamay bilang pagsuko. Ayokong ipagsapalaran ang buhay ko ngayon. Kaya kahit magmakaawa pa ako sa kanila ay gagawin ko, wag lang nila akong patayin. Napatili ako ng malakas at nangatog ang buo kong katawan nang magpaputok ang isa sa kanila. Nabasag ang isa sa malaking mamahalin na vase na nasa sala. Lumikha iyon ng ingay na mas ikinatakot ko. Bumuhos ang mga luha ko sa hindi malamang gagawin. “P-please, huwag n’yo po akong papatayin. W-wala po akong ginagawang masama,” umiiyak kong pakiusap sa kanila. Sinalubong ko ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Nanglaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Masyado akong abala sa nararamdam kong takot at pagtingin sa mga baril nila kaya’t hindi ko sila natitigan kanina. Sila yung apat na lalaking nasa picture, pero lima sila diba? Nasaan ang isa sa kanila? “Put down all your guns. She’s Azariah Cadiente.” Napalingon ako sa nagsalita. Nang makita ko ang itsura niya ay natulala ako at unti-unti siyang tinuro. “I-ikaw?” Nanginginig kong sambit. Nakasandig ang balikat niya sa hamba ng pinto ng kusina. Hindi niya ako sinagot. Malamig lang na mga mata niya ang natitig sa akin. “Azariah Cadiente? She’s the one wh---“ “Deangelo.” Malamig na sabi ng lalaking dahilan kung bakit ako nakakulong sa mansion na ‘to. “She’s not supposed to be here.” Sagot nung Deangelo bago ibinaba ang baril niyang hawak at naupo sa isang sofa. Iniwas ko ang mga tingin sa kaniya nang paglaruan niya sa kamay niya ang baril na hawak. Dahil sa kaba at takot ay mabilis akong lumapit sa lalaking nakatayo sa kusina. Nagtago ako sa likuran niya habang kinakalma ang sarili. Alam kong mapanganib silang tao pero hindi ko alam kung bakit nagawa ko pang magtago sa likod ng isa na ‘to. “She’s a crybaby…” pakini g kong sabi ng isa. Mula sa likod ng lalaking nasa harapan ko ay sinilip ko ang apat na lalaki. Wala na silang mga baril na hawak. Lahat sila ay mga nakaupo na at mukha namang mga kalmado na at dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag. “Gunner, alam ba ni Tita na may bina-bahay ka na rito?” Tanong ng isa na nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. “Isa pa si Rosaly, alam mo kung gaano kaselosa ang babaeng ‘yon. Tiyak na yari yang si Azariah sa babaeng ‘yon sa oras na malamang dito siya nakatira. Alam mo naman kung gaano kabaliw ‘yon sa ‘yo.” Sabi pa ng isa. Gunner. Ang astig naman nang pangalan niya. Tumayo ang isa sa kanila at lumakad sa direksyon namin. Walang pagdadalawang-isip kong hinawakan ang laylayan ng damit nang lalaking nagmamay-ari ng pangalan na Gunner, tsaka ako nagtago’ng muli sa likuran niya. Tumambol na naman sa kaba ang dibdib ko nang marinig ko ang pagtigil ng lakad niya mismo sa gilid ni Gunner kung saan nasisilip niya ako. “Hi!” Napalingon ako sa kaniya. “Ako na ang humihingi ng tawad kung natakot ka naming apat kanina,” nakangiti niyang sabi. “Ako nga pala ang pinakagwapo sa aming magpi-pinsan, Vernon Mondego,” pakinig ko ang sunod-sunod na pagmumura ng iba niyang mga pinsan na ikinahalakhak niya bago binalingan  ang mga pinsan niya. “Oh c’mon, cousins! Wala bang suporta man lang d’yan? Totoo naman ang sinasabi ko. Kitang-kita naman.” Mayabang niyang ani bago bumaling muli sakin nang hindi siya sagutin nang mga pinsan niya. “Come on, Azariah. Mababait kami. Hindi ka namin sasaktan,” gusto kong umismid sa sinabi niya. Hindi sasaktan pero balak na nila akong patayin kanina. “Kailangan mo na rin masanay sa aming lima dahil makakasama mo na kami rito araw-araw.” Sila? Makakasama ko sa isang bubong? Hindi kaya sa tuwing gigising ako sa umaga ay may nguso ng mga baril ang nakatutok sa akin? Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at yumuko na lamang. Gusto ko ng umuwi. Namimiss ko na ang inay. “B-bakit hindi n’yo nalang ako pauwiin?” Lakas loob kong tanong sa kanila. Natahimik ang buong paligid. Maski ang lalaking nasa harapan ko na si Gunner ay tumigas ang pagkakatayo. Napaangat ang tingin at tumama iyon kay Vernon na nasa gilid ko lamang. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagtulala pero nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay agad siyang ngumiti ng malawak. “Ayaw mo ba rito?” Tanong niya. Umiling ako sa kaniya, “Ayoko,” binitawan ko ang laylayan ng t-shirt ni Gunner at paatras na lumayo sa kaniya. “Ayoko rito. S-sino ba kayo? Hindi ko kayo kilalang lahat kaya bakit ko gugustuhing tumira rito kasama kayo? At isa pa, hinahanap na ako ng inay.” “Alam ng nanay mo na narito ka na sa poder namin,” napatingin ako sa lalaking katatayo lamang mula sa pagkakaupo. Tumabi siya sa kinatatayuan ni Vernon at ngumisi sa akin bago nilaro ang baril sa kamay niya. “Just be a good girl, Azariah,” itinutok niya ang baril niyang hawak sakin. Napaatras ako sa takot at kaba. “And everything will be alright,” Sambit niya bago kinalabit ang gatilyo ng baril. Napapikit ako sa takot at hinintay ang kamatayan ko pero isang nakakalokong tawa ang narinig ko kaya’t unti-unti akong napadilat. “If you only see your face. That was so funny!” Sabi pa niya bago muling tumawa ng nakakaloko. Gigil ko siyang tiningnan ng matalim, “Fuck you!” Sigaw ko sa kaniya na ikinatigil niya sa pagtawa at ngumisi sakin. Ang iba niyang mga pinsan ay nanonood lamang sa amin. Si Gunner ay nakatalikod pa rin mula sa akin. “Feisty.” Maangas niyang sambit bago tumalikod at naglakad palabas ng mansion. Halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang mabilis nakalapit sa akin si Vernon at alalayan ako. Ngunit mabilis ko siyang itinulak at humawak sa lamesang malapit sa akin. “Uuwi na ako.” Nanghihina kong ani. Parang hinigop ang lakas ko dahil sa takot nang tutukan ako ng baril ni Deangelo. Fuck the shit! “You can’t,” napalingon ako kay Gunner na ngayon ay nakaharap na sa akin at malamig akong tinitingnan. “At bakit hindi? Anong kailangan n’yo ba sakin?!” “You can’t ‘cause I said so.” Napapikit ako sa inis. Ginagago ba nila ako? “Alam n’yo, kung naghahanap kayo ng gagaguhin, wag ako! Uuwi ako ngayon mismo at hindi n’yo ako pwedeng ikulong dito! Isusumbong ko kayo sa mga pulis! Kidnapping ‘tong ginagawa n’yo!” Galit kong singhal sa kanila. “Go on. Tell them that we kidnapped you and let us see who will go to jail.” Panghahamon ni Gunner at unti-unting ngumisi ng nakakaloko sakin. “Remember what happened in that fucking hotel? I am the one who cleaned your mess! Just be thankful to us that we didn’t take you in jail.” Napahigpit ang hawak ko sa lamesang kinakapitan ko. Alam niya ang nangyari sa hotel. Alam nila all this time. Nanginginig akong nagsalita dahil sa halo-halong emosyon,  “P-paano mo n-nalaman yung sa hotel?” “Just do what I want and as Deangelo said, everything will be alright.” “Sagutin mo ko!” Nagkibit-balikat lang siya sa tanong ko. “I-is he alive?” Tanong kong muli. “Sad to say, he died. He rush to the hospital but the doctor declares that he is dead on arrival.” Tumulo na ang mga luha ko sa narinig. Napatingin ako sa mga kamay ko at napailing habang bumubuhos ang mga luha. Hindi ako mamamatay tao. Hindi. “H-hindi ko siya p-pinatay! H-hindi,” wala sa sarili kong ani. “Pinagtanggol ko lang ang sarili ko.” “I will take care of everything and all you need to do is to live here with us.” Napatingin ako sa kaniya at nagpahatid ng mga luha. “B-bakit? Bakit kailangan kong tumira rito kasama kayo?” “Because I need you to become my pretending wife.” “W-what? P-pretending wife?” Gulat kong sambit. “That is for today, Azariah. You can go upstairs and get some rest. I think you need it.” Namulsa siya bago ako iwan. Isa-isa rin nag-alisan ng sala ang magpi-pinsan at hindi ko na alam kung saan sila nagpunta. Marahan akong lumakad paakyat sa second floor ng mansion kung nasaan ang kwarto ko. Tulala ako sa nangyayari ngayon. Hindi ko alam ang gagawin. Isa lang ang kailangan ko ngayong tao, ang inay…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD