Chapter 3

1236 Words
Azariah’s POV            UMAGA nang gisingin ako ni Gunner at pagmadaliin na magbihis dahil may pupuntahan daw kami. Nang makababa ako sa sala ay naabutan kong may kausap siya sa cellphone. Agad niya iyong pinatay nang makita ako. Tinapunan lamang niya ako ng malamig na tingin bago dumiretso ng lakad palabas ng mansion. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Kaba at takot na parang may hindi magandang mangyayari. Sumunod agad ako sa kaniya palabas at nakasakay na siya sa kan’yang sasakyan. Mabilis akong sumakay sa front seat. “Gunner, saan ba tayo pupunta?” Tanong ko dahil hindi ko malaman kung para saan ang kaba na nararamdaman ko. Pinaharurot lamang niya ang sasakyan at hindi ako kinibo. Nagtataka ako nang makilala ko ang daan na tinatahak naming. Ito ang daan papunta sa bahay naming. Napalingon ako kay Gunner pero seryoso lamang siyang nagmamaneho. Hindi nagtagal ay ipinarada ni Gunner ang sasakyan sa hindi kalayuan mula sa bahay naming. Hindi kami makapasok dahil sa dami ng mga tao. Puno ng pagtataka ang isipan ko. Ano ba ang nangyayari? Nang makababa kami ng sasakyan ay agad akong hinapit ni Gunner sa beywang at inalalayan na makalapit sa bahay namin. Ramdam ko agad ang mga mata ng mga tao sa paligid na sa amin nakapako at agad nagbigay daan sa amin pero hindi ko na iyon binigyang pansin dahil sa taranta ko. Mas kinain ng kaba ang dibdib ko nang makita ang mga pulis sa paligid na hinaharangan ang mga taong nakikiusyoso. Ngunit para akong nawalan ng lakas nang makita ang isang stretcher bed na tulak-tulak nang dalawang nurse. Ramdam ko ang pagalalay sa akin ni Gunner dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay matutumba ako lalo na nang makita ko ang nakalantad na kamay ng bangkay. Yung bracelet na iyon ay binili ko pa sa MOA para ipang-regalo sa kaniya. Isa-isang nagpatakan ang mga luha ko habang nanginginig akong lumapit sa bangkay. Ang nakabalot na puting kumot sa katawan niya ay halos magkulay pula na. Pinagmamasdan ko lamang ang kabuuan ng bangkay dahil ayokong maniwala sa nakikita ko. Gusto kong isigaw na panaginip lamang ang lahat ng ito. Na gigising din ako at magiging maayos ang lahat. Ngunit sino nga ba ang lolokohin ko? Ang sarili ko lamang din dahil nasa harapan ko na lahat, isinasampal na sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sobrang halo-halong emosyon. Hindi ko akalain na mangyayari ang ganitong bagay sa akin. Hindi ko akalain na darating kami sa puntong ganito. Mas bumuhos ang mga luha ko nang unti-unti kong hawakan ang kamay niyang nakalantad. Malamig na iyon. Napapikit ako sa sakit na nararamdaman at mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. “I-inay? Inay?” Nanghihina kong tawag sa kaniya  bago ko dinala sa labi ko ang malamig niyang kamay. Hinalikan koi yon habang lumuluha. Wala na si itay, wala na rin ang inay. Ang inay ko na laging malawak ang mga ngiti sa akin. Hindi na maampat ang mga luha kong sunod-sunod bumubuhos. Nanginginig ang labi kong muli siyang tinawag dahil umaasa ang puso ko na babangon siya at yayakapin ako. “I-inay wag n-naman pong ganito! A-ano po ba ang nangyari?” Pinahid ko gamit ang mag daliri ko ang mga luha sa pisngi ko at ngumiti. “H-hindi ba ang sabi ko h-hintayin mo ko? A-ang sabi ko ibibili kita ng pasalubong, inay…” Garalgal kong sambit kahit alam kong hindi na niya ako sasagutin. “Inay naman! Wag naman pong ganito. Tayo nalang dalawa ang magkakampi, diba? Tayo nalang dalawa ang magkasama sa mundong ito tapos iiwan mo pa ako? Maawa ka naman sa akin, inay...” Humahagulgol kong iyak bago sumubsob sa katawan niya. Wala akong pakialaman kahit malagyan ako ng mga dugo niya. Gusto kong bumangon siya at magising. Gusto kong ipaalala sa kaniya na may anak siyang hindi niya pwedeng iwan. Lumakas lalo ang iyak ko nang maramdaman ang paghawak ni Gunner sa balikat ko pero hinawi ko siya. Niyakap ko ang katawan ni inay ng mahigpit habang humahagulgol. Huling yakap na ipapabaon ko sa kaniya hanggang sa kabilang buhay niya. Ayoko man tanggapin ay wala akong pagpipilian. Sinasampal na sakin ang katotohanan at baligtarin ko man ang mundo ay wala na ang inay. Wala na ang babaeng nagluwal sa akin sa napakasamang mundo na ito.           TULALA LAMANG AKO dito sa waiting area ng hospital kung saan dinala ang inay. Napag-usapan na rin naming ni Gunner na ipa-cremate nalang ang bangkay ni inay pagkatapos nito sumailalim sa autopsy. Sa dami ng pasa niya at mga sugat sa katawan ay alam kong hindi biro ang dinanas niya sa kamay nang taong walang puso na pumatay sa kaniya. Napakuyom ang mga kamay ko sa matinding poot at galit na nararamdaman. Bakit ganito ang nangyari kay inay? Wala siyang ginawang masama para ganito ang danasin niya. Puro nalang ba sakit ang mararamdaman ko sa mundong ito? Si inay nalang ang mayroon ako bakit kinuha pa siya sa akin? Si Gunner lahat ang nag-ayos para sa burol ni inay. Hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan sa lahat ng naging tulong niya pero ipinangako ko sa sarili ko na baling araw ay makakabawi rin ako sa kaniya. Hindi rink ami masyadong nakakapag-usap ngayon dahil abala siya sa kaso ni inay. Mabigat daw iyon at ang pangunahing suspek ay walang iba kung hindi si Tito lamang na hanggang ngayon ay hindi pa mahagilap. “Condolence, Azariah.” Sunod-sunod akong kinamayan ng mga pinsan ni Gunner at ang tangi ko lang naisagot sa kanila ay tango. Tulala lang ako sa kawalan. Gusto ko na lang pumikit at kung pwede ay hindi na gumising pero alam kong hindi iyon magugustuhan ng inay. Para sa kaniya ay pipilitin kong mabuhay at lumaban. Aabutin ko pa ang pangarap ko at alam kong nandyan lamang siya, gumagabay sa akin. At sa pumatay sa kaniya ay sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan. Dalawang araw lamang akong pumayag i-burol si inay pagkatapos ay ipina-cremate na namin ang bangkay niya.  Ipinalagay ni Gunner ang abo ng inay sa isang mamahaling vase at pinagawan pa ng isang hindi kalakihang bahay ang punto ni inay. Sobra-sobra ang ginawa niya para sa inay na ipinagpapasalamat ko. Pagod akong pumasok sa mansion nila Gunner. Dumiretso ako sa kwarto ko at naupo sa kama. Tulala na naman ako sa kawalan habang iniisip ang inay. Ramdam ko ang kulang sa buhay ko. Nag-iisa na lamang ako ngayon. Binawi na Niya ang nag-iisang tao na nagmamahal sa akin ng totoo. “Inay, nakikita mo po ba ako ngayon? Napakalungkot ko, inay. Iniwan mo na ako. Iniwan mo na ang nag-iisa mong anak. Bakit ang unfair sakin ng mundo?” Mahina kong bulong sa kawalan habang unti-unting pumapatak ang mga luha ko. Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang bumukas iyon at iluwa si Gunner. Pinahid ko ang mga luha ko at ngumiti sa kaniya ng malungkot. “H-hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa lahat ng naitulong mo pero… maraming-maraming salamat, Gunner.” Pumiyok ako at nagbabadya na naman na bumuhos ang mga luha ko kaya’t tumingala ako para pagilan ito. Ngunit natulala ako nang mabilis nakalapit sakin si Gunner at hinila ako palapit sa kaniya. Isinubsob niya ako sa malapad niyang dibdib kaya hindi ko na napigil ang mga luha ko sa pagbagsak. Bumuhos muli dahil pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa ngayon, na may kakampi pa rin ako kahit nawala na ang inay sa akin. “You’re not alone, Riah. I’m here. I will be your protector. Marry me and I will give you everything.” LynneLaxuel Copyright 2018
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD