Sa mismong hotel kung saan gaganapin ang engagement party nila Rod at Nicole kami kumuha ng isang unit ni Gab. Sa tabi din mismo ng unit na kinuha nila. Gusto ko namang ipatikim sa kanila ngayon ang bangungot ng nakaraan na iniwan nila sa akin noon. Ang akala yata nila ay p'wede na sila ngayong magsaya. 'Yan ang hindi maaari. Hangga't nabubuhay ako at hindi ko pa nakakamit ang hustisya para sa mga magulang ko, hinding-hindi pa sila maaaring magsaya. Tandaan nila 'yan. "Are you gonna take a bath?" Napalingon ako kay Gab sa tanong niyang 'yon. Kasalukuyan siya ngayong nagsasalin ng alak sa isang baso. Tanging robe lang ang suot niya dahil katatapos pa lang niyang maligo at basang-basa pa ang buhok niya. "Mamaya na lang," sagot ko bago ako tumayo at sumilip sa labas ng balcony. Tinanaw