"Mama! I'm done bathing!" Napalingon ako kay Bokbok sa sigaw niyang 'yon. Nakasuot na siya ngayon ng puting robe na pagkalaki-laki sa kanya. Nagmistula itong malaking dress sa kanya at siguradong sa Papa niya iyan. May pandong din siya na puting tuwalya sa ulo niya. "Come on. Get dressed," aniko sa kanya. Kaagad din naman siyang lumapit sa amin ni baby Gracelyn. Kasalukuyan na kaming nakahiga sa kama dahil dumidede na ang bata pero ang isang kamay ay lumalapirot pa sa kabila kong n****e. Kaya naman ang gatas ko ay sumisirit na sa kamay niya. "Kaya mo nang isuot 'yan, 'di ba? You're a big boy now?" malambing kong tanong kay Bokbok. Nasa bandang paanan naman ng kama ang damit-pantulog nila ng Papa niya na inihanda ko na kanina pa. "Opo!" Kaagad din naman siyang lumapit doon at kinuha