"Nooooo!!!" "Baby, hey. Wake up!" Bigla kong naidilat ang aking mga mata sa malakas na pag-uyog na 'yon sa katawan ko at bumungad sa akin ang mukha ni Gab habang nakahawak siya sa magkabila kong braso. Nakabalatay ang pag-aalala sa kanyang mukha habang nakatitig sa akin. "You're dreaming," aniya. Hindi kaagad ako nakasagot at habol ko ang aking paghinga habang nakatitig lang sa kanya. Nilingon ko ang kinahihigaan ko at naririto pa rin naman ako sa ibabaw ng kama. Katabi ko pa rin ang mga anak kong mahimbing nang natutulog sa ngayon. Nakahinga ako ng maluwag bago muling bumaling kay Gab. "Hell, yeah. A nightmare," sagot ko sa kanya habang mabilis pa rin ang paghinga ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang buong akala ko ay totoo na. Bumaba ang paningin ko sa katawan ko at