Pag-uwi niya sa bahay, kaagad siyang inutusan ni Juliet Macaraeg na diligan ang mga halaman sa kanilang harden. Hindi siya nagreklamo at pagkatapos niyang magpalit ng damit ay kaagad na siyang nagtungo sa harden upang sundin ang inutos ng kanyang Mama. At habang diniligan niya ang mga bulaklak na matiyagang inalagaan ng kanyang ina, hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi. Kung alam lang niya na magiging masaya siya kapag aamin sa tunay na pagkatao, sana’y noon pa niya ito ginawa. Bago niya nakilala si Chad ay sigurado naman siya na babae ang kanyang gusto, eh. Pero simula nang magkalapit silang dalawa, nagsimula na siyang magtanong kung ano ba talaga siya. Sinubukan niyang supilin noon ang kanyang damdamin at sinubukan rin niyang magkanobya. Dyahe nga lang