Kinabahan si Jether habang papunta papunta sina Chad sa Moalboal, ang lugar kung nagbago ang pagtingin nila sa isa’t-isa. Iminungkahi niya kay Chad na magbakasyon muna sila upang ma-divert ang attention nito mula kay Audrey. “Kumusta naman kayo ng nobya mo?” Pasimple niyang tinanong ang lalaki. “Ganun pa rin naman,” maikling sumagot si Chad. “Ah mabuti naman kung ganun. By the way, naalala mo pa ba noong huling magkasama tayo papuntang Moalboal?” Muling nagtanong si Jether kay Chad habang panay ang kanyang pagbuntong-hininga dahil hindi niya kayang ipagtapat sa lalaki ang kanyang nalaman na ang nobya nitong si Audrey ay nobya rin ni Pasha. Kumunot ang noo ni Chad sa itinanong ni Jether dahil alam naman nito na hindi niya makalimutan ang araw na ‘yon, eh. Espesyal kasi yon para