Hindi na niya alam kung paano ipapaliwanag kay Pasha ang gusto niyang mangyari. Ayaw niyang mawala ang babae ngunit kailangan niyang ituloy ang pagpapakasal kay Chad. Noon pa niya gustong magkaanak at hindi iyon kayang ibigay ng kanyang nobya. “Hindi mo kasi ako naiintindihan, Pash.” Kanina pa siya na-frustrate sa pagpapaliwanag kay Audrey dahil sobrang tigas ng ulo ito. “Ano ba ang hindi ko naintindihan, Audrey? Kung gusto mong magpakasal kay Chad eh di maghiwalay na tayo. Ano pa ba ang silbi ko kung may Chad ka na?” “Ikaw ang mahal ko, Pash.” Nangatwiran si Audrey. Sa totoo lang ay nahihirapan na rin siya. P’wede siyang maging selfish ngunit magiging kawawa naman ang kanyang anak. “Hindi ko kayang mawala ka,” gumaralgal ang boses ni Audrey habang patuloy na nagpaliwanag kay Pasha. “