Kahit ano pa ang mangyayari, hindi nila makakalimutan ang lugar kung saan una nilang nadiskubre kung ano ang gusto nila. At sa kanilang pagbabalik sa Moalboal, pareho nilang gusto na sulitin ng husto ang kanilang pagbabakasyon. “Sa kabila naman tayo,” suhestiyon ni Chad kasi sa kanyang pagkakaalam ay mas marami silang magagawang bagong alaala sa Panagsama. Isa pa, hindi na nila kailangang mamrublema sa pagkain dahil maraming kainan do’n. “Akala ko ba ay gusto mong balikan ang lugar kung saan una kang naging akin?” Tinanong ni Jether ang kanyang kasama. Ganunpaman, susunod pa rin naman siya sa kagustuhan nito. Biglang napalunok ng laway si Chad nang muli na naman niyang naalala ang kaganapan noon. “Hmmm yes. Ayaw mo bang subukan sa kabilang resort?” “Kung saan ka masaya ay doon na rin