Lumipas ang isang linggo hindi pa rin nagbago ang nararamdaman ni Leslie. Medyo kinakabahan na siya kaya naman nagpasya na siyang magtungo sa ospital, ngunit hindi siya nagpasama. Inilihim niya ang pagpacheck-up kay Jayson at maging sa kanyang pamilya. Madali lang naman niyang nagawa iyon dahil nag-iisa lang naman siya kanilang bahay. Ayaw niyang ipaalam pa sa mga ito, para hindi na sila mag-alala pa sa kanya. Hiyang-hiya na nga siya sa kanyang Inay dahil mag-isa lang itong namalengke at nagluto. Ito na rin ang nagseserved ng pagkain sa costumer buti ang kanyang Itay kahit na nakawheelchair ay nagpresintang ito na ang tatao sa kaha. Ang kanya kasing dalawang kapatid ay sabay pang nagtake ng exam kaya solo lang ang kanyaang Inay kaya ayaw na niya talaga pang abalahin ito. Si Jayson naman