Chapter 47

1729 Words

Lumabas din ng araw na iyon si Leslie sa ospital, ngayong naipagtapat na niya sa lahat ang kanyang karamdaman mas lumuwag na ang kanyang pakiramdam. At parang nakatulong pa ang pangyayaring iyon sa pagiging masiglahin niya at pagiging active na sa pag-aalaga ng kanyang sarili. Maging ang pagiging mapili ng kanyang ipinagbubuntis sa pagkain ay parang hindi na rin masyado dahil nakakakain na siya ng maayos. Naging maalagain at maalalahanin ang kanyang pamilya sa kanya. Palagi siyang kinukumusta at inaalala ng mga ito. Maging sa pagkain at sa pag-inom ng gamot ay palagi ring nakasubaybay ang mga ito. Si Charlotte ay palagi ring nasa kanilang bahay kasama ang kambal, na nagpapasaya naman sa kanya dahil sobrang giliw ng dalawang paslit sa kanya. Minsan pinagsasabihan na niya si Charlotte,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD