Nagkagulo ang mga taong nandoroon, si Jayson agad na pinangko si Leslie at itinakbo sa labas ng bahay patungo sa kanyang kotse. Sumunod naman sa kanila ang Nanay nito. Agad niyang isinakay si Leslie sa kanyang kotse, inalalayan naman ito Nanay nito. Madali lang silang nakarating sa ospital kung saan regular na nagpapacheck up si Leslie. Agad itong inasikaso ni Doctora ang Doctor ni Leslie. Habang tinicheck ito ng Doctora, hindi naman maibsan ang matinding kaba sa kanyang puso, napakaraming masasamang pangitain ang naglulumikot sa kanyang isipan. Ilang sandali lamang at dumating na rin ang mag-asawang Denver at Charlotte kasama ang kambal, maging ang mga kapatid ni Leslie at Tatay ay dumating na din sa ospital, na kahit naka-wheelchair ito ay pinilit pa ring sumama sa ospital dahil sigu