Chapter 49

1273 Words

Nakangiti si Bop na kausap ang nobyo sa video call. Nakahiga siya sa kama isang gabi habang ito ay naglalakad palabas ng Palacio de la Moncloa. May meeting daw ito sa labas. A private one. Pero sa ngayon ay may official business itong titingnan muna bago ang private meeting nito sa isang hotel. “Sino ba kasi ang ka-dinner date mo mamaya?” tanong niya sa nobyo. “Huwag na, magseselos ka lang.” “Huh? Bakit? Isa sa mga exes mo?” Tumulis ang nguso niya na pinasingkit pa ang mga mata. Tumawa ang lalaki. “Don’t worry, I’ll be with Hugo. Kaya makasisigurado kang hindi ako gagawa ng milagro, okay?” “Sino ba talaga ‘yan, ha? Magdududa na talaga ako sa ‘yo,” may himig na pagseselos at pagtatampong aniya. Lumulan ito sa limousine at saka nagsalita, “It’s Mateo. I’ll just keep you posted, okay?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD