Chapter 50

1563 Words

Sa bawat isinusukat na damit ni Bop ay kinunan niya ang sarili ng larawan sa loob ng fitting room para ipakita sa kanyang nobyo. “Ano ba? Feeling mo naman siguro modelo ka, ‘no? Papalit-palit ka na. Kanina ka pa, ah! Pang-ilan na ba ang damit na ‘yan? Pang-isang dosena na yata ‘yan, eh. Baka sasabihing trip mo lang ‘to ‘pag wala kang bibilhin.” Narinig niya ang buntis na tumalak sa labas ng fitting room. Napatawa siya. “O, siya. Wala akong mapagpipilian talaga, Nicole!” aniya sa kaibigan. “Bakit, pangit lahat sa ‘yo?” “Hindi. Maganda sila lahat. Kaya lang, isa lang ang gusto kong bibilhin.” “Hay, naku! Kung ano talaga ‘yong feel mo, eh ‘di ‘yon na. Huwag ka nang maarte. Sasamahan mo pa akong bumili ng damit ni baby, ah!” inip na wika ni Nicole na sinimangutan siya. “O, sige na nga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD