Ilang beses nang tinawagan ni Junrel si Bop pero ayaw nitong sumagot. Ring nang ring lang ang cell phone nito, pati messenger. Gusto niyang magpaliwanag pero mukhang kailangan niyang resolbahin muna ang problema bago ito makipag-usap sa kanya. Napamura siya nang mahina pero narinig iyon ni Hugo na nakayuko sa isang tabi. Pinukol niya ito ng isang matalim na tingin. Ilang ulit na niyang pinagalitan ito dahil sa ginawa. Ni hindi man lang kasi ipinaalam sa kanya ang totoong si Beatriz pala ang nasa silid na iyon ng hotel. Wala ring babala kahit paano at least hindi sana siya tumuloy kapag nalaman niya. Iyon nga lang ay nasilaw ito sa pangako ng letseng babaeng iyon. Muli ay napamura siya. Hindi na nga niya gusto ang sarili dahil paulit-ulit na lang siyang nakapagsalita ng hindi maganda. So

