Napanganga na lang si Bop nang makita ang video ng paghingi ng tawad ni Hugo sa nangyari sa prime minister kaugnay sa eskandalo nitong kasama ang ex-fiancée. Hindi niya alam na kasabwat pala ito sa plano ni Beatriz na akitin si Junrel. “Hindi ko talaga akalain na gagawin niya ‘yon. Ang ganda pa ng usapan namin sa Baguio, ah!” nausal niya pa sa sarili. “May mga taong plastik talaga, Bop. Kaya siguro gano’n,” sabi ni Nicole na nakaupo sa likod ng mesa nito at hinaplos-haplos ang malaking tiyan. “O, ‘di ba? Sabi ko naman sa ‘yo, eh. Kailangan mo lang marinig ang side ng boyfriend mo.” Napalabi lang siya sa kaibigan. Kitang-kita pa rin ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa kaiiyak. Lalo lang sumingkit ang mata niya. “Siyanga pala, may nahanap na akong temporaryong papalit sa ‘kin dito par

