Chapter 45

1191 Words

Namangha si Bop nang dinala ito ni Junrel sa rooftop ng kanyang mansion kung saan may parapet. “Ay, akala ko talaga third floor pero rooftop pala!” ang bulalas nito at napatutop sa bibig. Ang tsinitang mga mata ay napahagod ng tingin sa kanilang paligid. Habang natutulog ito ay nagpa-setup siya kay Emilia ng perpektong romantic ambience sa itaas ng bahay niya para sorpresahin ang nobya. Nakasindi lang naman ang nakabitin na maliliit na ilaw na may iba’t ibang kulay—pula, dilaw, puti, asul, rosas, berde, lila at kahel—at salitan ang mga ito. Nakapalibot ang mga ilaw sa paligid ng naka-setup na mesa na may nakatabong puting tela at nakaayos ang tinakpang mga pagkain para sa kanila. May isang maliit na pabilog na bucket kung saan nakalubog sa yelo ang champagne. Maayos din ang pagkakalagay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD