“Oo na, pumunta kang Orgasm-ville kung gusto mo,” ang pahintulot ni Bop na napatawa nang marahan. Nabunutan talaga siya ng tinik sa tagiliran nang sinabi sa kanya ni Junrel na ayos lang dito ang ginawa niya. Pero parang gusto na niyang kutusan ang sarili dahil sa aksidenteng pag-send ng video file sa kasintahan. Paano kung hindi open-minded ang tulad nito? Baka simulan pa iyon ng away nila o kaya hiwalayan dahil masyado siyang manyak. Nasorpresa rin siya sa sarili nang marinig ang paghingi nito ng permiso na mag-jack off pagkapanood sa kanyang video clip. Feeling niya ay porn star siyang pinagpapantasyahan ng kanyang nobyo. Pero kung iisipin niya, maano naman? Kasintahan siya nito at natural lang na pagpapantasyahan. Buti nga at siya ang gustong panoorin kaysa ibang babae. Kahit paano ay

