Nakipag-usap si Junrel sa mga kapwa politiko sa wedding reception ng kapatid ni Queen Soledad na ikinasal sa isang prinsipe ng Denmark. Nasa isa sa walong palasyo ng royal family ang reception, sa Marivent Palace sa may Cala Mayor, Palma de Mallorca. Nasa mahigit limang daang kilometro ang layo nito mula sa Madrid. Ang Marivent Palace ay summer residence ng Spanish royal family na malapit sa talampas at dagat kung kaya sariwa ang nalalanghap nilang hangin. Pinalibutan ito ng malalagong kahoy (pine trees) at kongkreto ang palibot ng kinatatayuan ng palasyo. May lawak itong tatlumpu’t tatlong libong metro kuwadrado. Noong nakaraang Hunyo lang ay binuksan para sa publiko ang hardin ng Marivent Palace dahil parte iyon ng kasunduan ng tatlong political parties para pangalagaan ang Balearic isl

