Sa isip ni Bop, kinapa niya ang sarili dahil sa tanong ni Nicole. Hindi niya talaga nasagot ang kaibigan na nagpaalam na dahil kailangan na nitong magluto ng hapunan. Siya naman ay lalong pinipiga ang ulo ng iba’t ibang naglalarong imahe ukol sa nobyo at ex-fiancée nito. Halos hindi siya makahinga nang dahil sa halo-halong nararamdaman—inis, takot, pagseselos at insecurity. “What? Do you think I’d cheat on you?” usisa ni Junrel sa kanya nang kinausap niya ito tungkol sa balitang nabasa niya. “And I’d do it in public?” Napangiwi si Bop na napaiwas ng tingin mula sa binata. “Malay ko ba kung totoo o hindi ang nakikita ko sa balita riyan? Kaya nga tinanong kita nang diretsahan, eh. Kung ayaw mo na sa relasyon natin, sabihin mo lang. Hindi ako mamimilit!” “¡Carajo! (Damn it!)” Napamura ang

