Nakaawang ang labi ng nobya ni Junrel habang nakangiti pa rin siya nang pilyo. “Why aren’t you answering now?” “Nag-iisip ako ng paraan para bumuti ang pakiramdam mo,” saad ni Bop sa kanya. Napatawa nang marahan ang binata. “Vamos (Come on), querida mía, you can’t be thinking so hard about that.” Kunwari ay napasimangot siya pero nilalambing lang naman ito. “Ano ba ang gusto mo?” usisa nito. “Are you sure you’re going to give it to me or do it for me if I tell you?” pagsubok niya sa katipan. Napabangon ang babae upang maupo at in-adjust ang monitor ng laptop para makikita niya pa rin ang mukha nito. “Bakit? Ano nga ba ang gusto mo?” patuloy na usisa nito. “Siguraduhin mo lang na kaya ko ring ibigay o gawin. Huwag kang humingi ng imposible! Okay ba?” Napangiti siya sa dalaga. May punt

