Chapter 39

1764 Words

Nakatitig si Bop sa picture frame na nasa ibabaw ng kanyang desk. Solo picture iyon ni Junrel habang nagbibigay ng State of the Nation Address. Sadya niyang pinili ito para ipaalaala sa sariling hindi niya lang boyfriend ang lalaking ito kundi isang prime minister ng ibang bansa. Kahit na gustong-gusto niya itong makita at makasama palagi, iyon ang nagpapaalala sa kanyang kailangan niyang suportahan ito sa career na tinahak bago pa man siya dumating sa buhay nito. Napasulyap siya sa labas sa pamamagitan ng salaming pinto na may naka-print na pangalan ng kanyang travel agency. Kitang-kita niya ang ilang reporters mula sa kinaroroonan niya. Araw-araw na lang ito pero naka-lock ang pinto ng opisina nila para hindi makapasok at bubuwisitin siya habang nagtatrabaho. Si Nicole lang naman ang ta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD