Nakabenda ang magkabilang kamay ni Colt ng umuwi siya ng penthouse. Tumuloy siya sa ibang kwarto dahil ayaw muna niyang kausapin ang babae. Masyado siyang napagod sa mga nangyari ng araw na iyon. Kaya gusto muna niyang ipahinga ang katawan lalo na ang isipan. Kaya’t matapos magbihis ay binagsak ang hubad na katawan sa ibabaw ng kama. Subalit agaw antok pa lang siya ng biglang bumukas ang pintuan. Ayaw niyang dumilat kaya hinayaan ang babae kung anong gagawin nito. “Where is my son? Gusto ko siyang makita.” Hindi niya ito pinansin at nanatiling nakapikit. “Pag hindi ka bumangon diyan ay tatawagan ko si Attorney at pupuntahan namin ang naudlot na lakad sana naming dalawa dahil sa pakikialam mo.” “Enough! I’m tired mamaya na tayo mag usap.” saka siya bumaling sa kabilang side ng kama at h