Hindi siya dapat mahalata ni Colt, kailangan magtagumpay siya sa mga plano. Sa ngayon kailangan niyang isa isang tabi kung ano man ang kaniyang nararamdaman sa binata. “JAM, ayaw kung uuwi tayo ng bahay na may sugat ka, tandaan mo ang sinasabi ko.” “Copy Kuya, ikaw din mag ingat ka.” Samantala, “bakit ba natin ginagawa ito Kuya Josh?” “Wala tayong pagpipilian Drake, walang ibang makakatulong kay Colt at JAM kundi tayo. Nakalimutan mo ba na kaya natin itinayo ang agencia ay para sa pamilya pangalawa na lang ang sa mga mamamayang nangangailangan ng serbisyo natin.” “Ang ibig kung sabihin Kuya, ay mafia ang babaeng ‘yon at sangay tayo ng gobyerno.” “Hindi ko iyon nakakalimutan Drake, wala naman tayong lalabaging batas kung di ang masiguro na ligtas ang dalawang yon.” “Paano kung ma