“Mama ko, hindi mo na ako iiwan muli?” Napatingin siya sa tahimik na si Colt na tila humihingi ng saklolo. Ngunit sa halipa tinalikuran sila nito at naglalakad palayo. “I’m sorry anak pero ‘di ba alam mo naman na may trabaho ako?” “Yes po Mama ko, hindi po ba maaari na dito ka uuwi sa gabi tapos sa araw ka lang naroon sa work mo?” Walang alam sabihin si Laindsay, ayaw niyang magsinungaling sa anak. Ngunit ano ang sasabihin niya dito, paano ipapaliwanag para maintindihan siya nito. “Malungkot kasi kami si Papa ko pag dalawa lang na nasa bahay.” Niyakap na lang niya ang anak, kung alam lang nito kung gaano ang paghahangad niyang makasama ito. “Anak dito ka muna at kakausapin ko lang ang Papa mo.” “Sige po Mama ko.” Hinahanap niya si Colt ngunit hindi niya ito makita kaya ng may masa