Nasira ang itim na mahikang bumabalot ngayon kina Sebastian at Laarni. Sila'y nagbalik sa kasalukuyan at naroon ang bruhang si Luna na nag wawala at si Dastian na nakatingin sakanila. Hindi napigilan ni Dastian ang sarili at kaagad na dinukot ang puso ni Luna na siyang dahilan ng pagkamatay nito. Ang magandang mukha'y napalitan ng pagkakulubot at di kaaya aya. Ang malamang at magandang hubog ng katawan ay naging tuyo't na buto't balat. "Ahhhhhhhhhhhhck!" Sigaw nito ng mawalan ng buhay. Nanlilisik ang mga mata ng dalawang prinsipe habang pinagmamasdan ang pagkaagnas nito. ....... Laarni: Kay bilis ng mga pangyayare. Naglalakad sina Sebastian at Dastian habang ako ay sakay ng kabayo ni Dastian. Pauwi na kami ng Colasopia. Alam kong saming pagbabalik ay maninibago sila sa laki ng aking