Laarni: Nawala ang aking boses, at narito padin ako ngayon habang pinagmamasdan ang aking mahal na masaya sa impostorang si Damara. Gusto kong sumigaw pero hindi ko kaya. Gusto kong magwala pero hinang-hina na ang katawang lupa ko. Pagod na pagod na ako. Kelan ba matatapos ang paghihirap kong ito? Napukaw ko ang atensiyon ngayon ni Damara at kaagad siyang kumalas sa pakikipag halikan kay Sebastian para ako'y lapitan. Kumunot ang noo nito na kita kong may matinding galit sakin at matinding pagnanasa kay Sebastian. Isa nga lang ba siya sa mga alagad ni Luna? Isa nga lang ba siyang parte ng itim na salamangkang bumabalot samin ngayon? Hindi ko alam. Wala akong alam. "Sinong nag bigay ng pahintulot sayong tumapak sa mundong to? Ang katulad mong isang tao at isang mababang uri ng nilalang