Laarni: Nagising ako sa pusod ng kagubatan. Hindi pa ako makagalaw at inililibot ko lamang ang aking mga mata. Matatayog na mga puno, berdeng mga halaman, malinaw na lawa kung san ay malapit ako. At huni ng mga ibon. Naglalarawan lamang na nasa kagubatan ako. Walang mababakas na kahit ano roon bukod sa sarili ko na nakadapa sa lupa. Sinikap kong bumangon kahit na nanghihina ang aking mga tuhod sa hindi ko alam na dahilan. Napatingin ako saking kasuotan isang puting mahabang bestida. Kailan pa ako napadpad sa mala-paraisong lugar na ito? Asan ba ako at ano ang ginagawa ko dito? Mga katanungan mismo na bumabagabag saking isipan. Nagsimula akong maglakad ilang hakbang palapit sa ilog na parang salamin sa sobrang linaw. Napukaw mismo ng aking atensiyon ng may matanaw akong maliit na bangk