Nagdaan ang tatlo pang muling araw ngunit hindi umuwi si Sebastian. Labis ang kanyang pag luluksa sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal at nakalimutan nitong may anak pa sila. Sabihin na nga nating baliw na nga ang binata sa pagmamahal mismo sa dalaga at dahil sa pag aakala nitong patay na ang mahal ay nagulumihanan ang isip at nagpakalayo. Ibinilin niya sa kapatid na huwag na huwag gagalawin si Laarni dahil umaasa itong muli pang mabubuhay ang patay nitong katawan. Mula sa matatayog na bundok nakaupo lamang ito sa isang kapatagan na matatanaw mo mismo ang kalahatan ng bayang kanyang sinasakupan. Nagbalik siya sa Zenburg town ang kanyang bayan. Pilit mang kalimutan ay hindi niya talaga makakayanan. Tumayo siya mula sa pagkakaupo habang pinagmamasdan ang mapayapang bayan. Ang kapayapaan