Third Person : Sa kaharian ni Virgel ay napapaligiran ng mga mandirigmang bampira. Napasigaw si Virgel ng malamang namatay ang kanyang kapanig na si Azula. Ayon mismo sa tagapahayag dito ng balita. ........ "Saan ka galing?" Tanong ng isang dalagang bampira na nakasunod sa binata habang papasok na ito ng maliit na tirahan. "Hindi mo ba alam na labis akong nag aalala sayo?" Sabi muli ng babae. Ang binata ay tahimik lamang at nakakunot ang noo. Sumasagi parin sa kanyang isipan ang mukha ng babaeng nagpakilala bilang Laarni. Nagugulumihan siya dahil pinipilit nito na siya ay si Sebastian. Tumayo muli ang lalaki mula sa pagkakaupo sa bintana. Napatingin nalang ito sa magandang buwan sa labas ng maliit na tahanan. "Venum." Sabi muli ng babae at tinabihan ang nagugulumihanang binata.