Magkatitigan ngayon ang aking mag-ama. Isang linggo narin ng mamalagi dito si Sebastian. Kunot noo ng dalawa habang pinag-aaralan ang isat-isa. Kabilugan ngayon ng buwan at kitang kita ang enerhiya na nakukuha nila mula rito. Seryoso ang dalawa at hindi nagsasalita. Napahawak naman ako kay Celeste na nanonood din. Nasa isang malaking oval kami na gawa sa bato habang tinatangay ang mga buhok namin sa ihip ng hangin. Narinig na namin ang pag tambol sa bakal na nagpakawala ng malakas na alingaw at ito ang hudyat ng simula. Simula ng kanilang pagsasanay. Mabilis ang galaw ng dalawa na parang hinahangin sa himpapawid. Walang gustong magpatalo kahit pa pagsasanay lamang ito. Ilang malalakas na suntok ang natanggap ni Sebastian na siyang ikinatilapon niya mismo sa malalaking bato. "Sebastia