bc

Paris with Love

book_age18+
61
FOLLOW
1K
READ
dark
fated
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Mature content: Rated 18

Jerica or mostly called Jhe by her avid readers is a newly blossomed online writer in a reading application named "Fantasies". A Filipino based in Paris, France.

In the summer of 2017, she was invited by one of her Filipino colleagues, Joana to visit her hometown in Masbate. There she had met the alluring and attractive ranchero named Paris Jake.

chap-preview
Free preview
Paris I: Miss adventure
Charles de Gaulle Airport, 2017 "Susunduin ka ng pinsan ko sa airport. You don't have to panic." Jhe rolled her eyes. Not to panic! Yun ang suhestiyon ng kaibigan at kasamahan sa trabaho na si Joana sa gagawing pagpunta sa probinsya nito. Sa kabila ng pagiging Pilipina ay natatakot pa rin siyang bumyahe mag-isa papuntang Masbate. She doesn't even know where the place is. Her friend said it was somewhere South. "Jake is a fantastic host. Hindi ka niya pababayaan. Hello? Are you still there? "Hay naku Joana! Kahit naman gusto kitang pagbagsak ng telepono ay hindi ko magagawa. I need this." "Kaya nga pinapauna na kita para hindi masayang ang leave mo, hindi ba. So you can do your writing thing." Hindi nakaligtas sa tenga ang halong sarcasm sa tinig ng kaibigan. Joana is one of her closest friend, pero hindi nito masakyan ang hilig niya sa pagsusulat. Ayun dito ay pag-aaksaya ng oras ang nakahiligan. And of all genres, romance at sa lenggwaheng tagalog pa. Her friend even called it cheap! Na medyo dumalang lately dahil kahit papaano ay kumikita na siya ng extra income. "That's supposed to happen after our trip." "It's the same thing sissy! Mauuna nga lang ang trabaho bago ang enjoyment." "Yeah right! If only I could adjust my leave, nungkang gawin ko to!" "Puro exclamation point ang nasa huli ng sentences mo. Nakakasira ng aura yan. You will still enjoy it even if you're alone. Like I said, nasabihan ko na si Jake tungkol sa'yo. May mga off limits na lugar sa ranch na sasabihin naman niya sayo pagdating mo. Pero hindi ka niya pakikialam sa gusto mo." "Yeah right! You know I can still wait for you guys. I can go somewhere I head to Masbate." This trip had been planned for a long time. Gagamitin niya ang naipong sixty days vacation sa Pilipinas at dalawang linggo sa Paris kung saan siya ay residente. Pero nagkaroon ng kanya-kanyang emergency ang mga makakasama. "Don't waste your time. Natitiyak kong magugustuhan mo doon sa hacienda. Knowing how hopeless romantic you are. I'm sure you can create the best hero that you can ever write. Hindi ba at naghahanap ka kamu ng inspirasyon para sa bagong project mo." "Alright, alright! I'll let you know once I arrive in Manila. Ciao!" Pagpapaalam niya. Her friend Joana was the fourth person she called while waiting for boarding. Lima dapat silang pupunta. Pero biglang nausog ang leave ni Vicky na kasamahan sa trabaho. Nagkasakit naman bigla ang boyfriend ni Honey. Si Kirsten naman ay may inaayos na gusot sa pamilya nito. And Joana, hindi niya matiyak kung ano ang rason nito. Sa kawalan ng magagawa ay nag-browse siya sa internet. Places to visit in Masbate. She had been typing the same word since they started planning the trip. Wala siyang gustong palampasin. Eight years ago ng kunin siya ng tiyahin mula sa Pilipinas. Panganay siya sa apat na magkakapatid at parehong magbubukid ang magulang. Literal na salat sila sa buhay kaya naman halos buong pagtatrabaho ay kargo ang buong pamilya. Last year nga lang siya medyo nakahinga dahil nakatapos na ang bunsong kapatid sa kolehiyo. At ang tatlo ay pare-pareho ng may trabaho ngayon. Kaya naman sa wakas ay bibigyan niya ang sarili ng pagkakataong mag-bakasyon. Pero sa halip na sa Pangasinan uuwi ay diretso siya sa ibang lugar upang mag-staycation . "Pangasinan can wait. Let me breath and enjoy for a while." Dahil sa naisip ay bumalik ang excitement mula ng planuhin niya ang mauna. She'd been dreaming of this for a long time. Sa wakas ay hindi na niya iba-budget ang pera at kaya niyang gastusin ang buong isang buwang sahod ng walang iniisip. "This is supposed to be the life for me...." bulong niya sa sarili. At least naman kahit papano bago siyang mag-trenta anyos ay ma-enjoy man lang ang buhay at hindi lang puro trabaho. Nang bigla siyang may maisip. "Oh, I have to update them." Dali-dali niyang binuksan ang page kung saan ina-update ang mga readers. Perks ng pagsusulat ay ang makakilala ng maraming kababayan mula sa iba't-ibang lugar sa mundo. Some are avid readers, some are bashers, some became so close to her na parang totoong tao ang pinag-uusapan nila at hindi lang likha ng sariling imahinasyon na labis na nagpapasaya sa kanya. "Masbate..." she typed. Ilang minuto lang ay ilang komento ang agad lumitaw. She replied immediately. Isa sa mga rason kung bakit mula sa zero reader ay nagkaroon siya ng thousand ay dahil hindi siya nahihiyang mag-reach out. Napatunayan niyang sa larangang iyon ay hindi ka pwedeng maging primadonna. "Be gone for weeks. Vacation mode. Please wait for my update. Thanks jhems." She called her readers jhems. Sounds like the expensive stone. Dahil para sa kanya ay kasing-halaga ng mamahaling bato ang mga mambabasa niya. Napasandal siya at tumingin sa oras. In a moment ay mag-uumpisa na ang boarding. Wala sa sarili inikot ang mata sa paligid. This is Charles de gaulle Airport. At halos apat na taon na siyang nagtatrabaho doon bilang customer service professional. For a change, imbes na siya ang nag-a-assist ay siya naman ang mabibigyan ng serbisyo. Oh how I wish I can fly in business class. Isa pa yun sa mga pangarap niya. Pero hindi pa afford ng budget yun. Isa sa kagandahan ng hindi pagsabay ng mga kaibigan, ay ang laki ng natipid. Kahit sabihing may discounted ticket sila ay mahal pa rin ang business class ticket tulad ng napag-usapan nilang magkakaibigan. Maya-maya pa ay sumabay na siya sa agos ng tawagin ang mga economy passengers. She felt a different excitement as she walks at the aerobridge. This is it pancit! Finally! After eight years, makakauwi na rin siya sa minamahal na bansa. Sixteen hours. From CDG Airport to NAIA, Jhe already felt the fatigue and jet lag. Idagdag pa ang pagka-irita dahil sa sunod-sunod na tawag ng ina sa roaming number na gamit. "Dideretso ako dian pagbalik ko galing ng Masbate." "Kung bakit doon ka dideretso samantalang nandito ang pamilya mo sa Norte. Naku Jerica sinasabi ko sayo. Hindi naman sa pinipigilan kang mag-asawa. Pero dapat ay ipakilala mo muna siya sa amin." Litanya ni Aling Rita. "Si Joana nga ho ang makakasama ko doon Nay. Sige na ho at magbo-boarding na ako. I-kumusta niyo ako kay Itay." Paalam niya bago pa makapalag ang ina. Yes, at almost thirty, she still informs her parents her whereabouts. And yes, hindi pa rin siya pinapayagang mag-sleepover sa posibleng maging boyfriend. Hind niya tiyak kung natural sa probinsya ang ganun. Pero nakasanayan na ang naturang kaugalian kahit saan magpunta. "Argh! Vacation! Excited na ako sa'yo!" Bulong sa sarili. Dahil sa sobrang pagod ay nakatulog siya sa maikling domestic flight na yun. Halos siya na nga lang ang pasahero nang magmulat ng mata. Dali-dali siyang bumaba at naghanap ng banyo. Nasa immigration na ng mapansing nawawala ang cellphone. "Merde!" Wala sa oras na natapik ang noo. Dali-dali siyang bumalik sa pinaggalingan. Pero dahil nililinis na ang eroplano para sa susunod na lipad ay hindi siya nakapasok sa loob. Sinabihan na lang siya na i-claim ang item sa lost and found sa arrival. Sinubukan pa niyang makiusap sa salitang Tagalog pero wala din siyang nagawa. Umasa siyang nai-forward na sa sinabing department ang gamit pero wala daw nakitang cellphone sa naturang lipad. O kung meron man ay baka hindi pa nai-surrender. Binigyan siya ng numero ng nakausap at sinabing mag-follow up pagkalipas ng ilang araw. "Merde! Merde!" Nalamukos ang suot na jacket. Paano niya nagawang maiwala ang mahalagang bagay. Agad siyang nag-double check ng iba pang kagamitan sa bag. Bukod sa cellphone ay wala namang nawawala kaya imposibleng nanakawan siya. "Oh mon Dieu! Why are you so stupid! Jerica!" Kaya nga ba sinuhestyon ng kaibigan na mag-overnight siya sa Maynila. But she insisted she can continue with the domestic flight. Ayun at nawalan pa siya ng cellphone dahil sa sobrang pagod. Pero ang masaklap sa lahat ay doon siya iko-kontak ng taong dapat ay susundo sa kanya. And now what! Sa pag-aasam na makita ang banner na may nakalagay na pangalan sa arrival ay lumabas na siya. "Oh why! Nasaan ang Jake na ito!" Inikot niya ang mata sa paligid. Pero wala ang hinahanap. "What should I do?" Totoong sinagilan siya takot. Wala siyang alam sa lugar at lalong walang kakilala. Gusto na niyang ilabas ang laptop at ikontak ang kaibigan upang masabihan ang susundo sa kanya. Ngunit hindi niya gustong magbungkal ng gamit. Hindi niya gustong magmukhang turista. On impulse ay sinunggaban ang nakitang free shuttle papunta sa isang resort. By the Sea. She can do overnight there. Tutal pagabi na rin naman at mukhang hindi nakapunta ang dapat na susundo sa kanya. Madilim na nang marating ang naturang resort kaya hindi nagawang i-appreciate ang lugar. Dali-daling nag-check in at naghalungkat ng gamit. Pagkabukas ng laptop at ay agad nag-pm sa kaibigan. Pero kahit mag-uumaga na sa kabilang panig ng daigdig ay hindi mahagilap si Joana. "Come on sissy! Hindi pwedeng natutulog kabng ganitong oras. You should be online by now." Sinubukan ang iba pang mga kaibigan pero isa lang ang nag-reply. Ill try to contact her, ang tanging sagot ni Kirsten. "Oh why you, of all people." Inis niyang bulong. Naiintindihan niya ang pinagdadaanan nito kaya hindi na lang siya nangulit. Nanghihinang inilatag ang katawan sa kama ng wala sa oras. Ni wala siyang ganang kumain dahil sa sobrang pagod. Hindi na niya nagawang magpalit pa ng damit at tuluyang nakatulog. Tanghali na nang magising siya kinabukasan. Naroon pa rin ang pananakit ng katawan kaya pina-extend na lang muna ang kwartong tinutuluyan. Good thing is that she managed to contact her friend. Kulang nalang ay mabingi ang tenga sa sobrang galit ni Joanan. Naghintay daw kasi ang kinakapatid nito sa airport. Nang makapagpaliwanag ay saka lang kumalma ang kaibigan. She even became worried. Pagkatapos mare-assure na okay lang siya ay saka lang ito kumalma. "Are you sure? Did you double check your things." Tanong nito na kulang nalang ay ilabas ang sarili mula sa screen ng laptop. "I did. It was all because of my stupidity. Hindi ko kailangan sisihin ang iba dahil doon." "Who knows? Nasa Pilipinas ka na sissy, you have to be extra careful." "Yeah, I know. Pero pwede mo ba akong ihingi ng paumanhin sa kinakapatid mo? It was really unintentional." Kung bakit kasi hindi siya dumating ng maaga sa airport, gusto niyang sabihin. Pero inawat niya ang sarili. Wala sa oras na tinanong ni Joanna ang tungkol sa tinutuluyan. "I am not sure. Hindi pa ako lumalabas para maglibot. I literally just woke up now. I'm hungry. I might go out and check out the place." "You better pack up your things. Ngayon din ay ipasusundo kita." "You know what, I think I better stay here for the meantime. Nakakahiya baka nakakaistorbo na ako sa kinakapatid mo. You said he is a very busy person." "Yeah, pero wala siyang magagawa kapag hiniling ko." Tumikwas ang kilay. "You don't have to. Nag-extend na ako ng isa pang gabi." Nilapitan ang pamplet na siyang umagaw ng atensyon sa airport palang saka binuklat. Kung hindi exaggerated ang pagkakalathala doon ay natitiyak na nakahanap siya ng isang paraiso. "Let me check out the place. Kapag nagustuhan ko ay baka dito ko nalang kayo hintayin." "Why are you going to pay the room kung may naghihintay naman sayong mas maganda at komportable bahay." "Sissy! I can afford to splurge myself now." "Yes, big thanks to your writing career." "Hey! I'm starting to make a name. Plus I'm gaining readers." "Online, kung saan kahit sino ay may kakayahang sumikat. Come on sissy, do you remember what you told me when you first started writing? Hindi mahalaga kung gaano karami ang kinikita o nagbabasa ng sinusulat mo. Mas mahalagang may dalang magandang impluwensya sa buhay ang nagbabasa ng novels mo." "And that's exactly what I'm about to do." Binuksan niya ang bintana at tumambad ang isang magandang tanawin. Crystal clear water. "You know what I'm decided. I'll wait for you guys here. At bago tayo mamundok ay makaranas man lang ako ng dagat." "No! You're alone there." Hinarap niyaang camera ng laptop sa dagat. "Hindi ko pwedeng palampasin ito." "Oh wow!" "I know." She agreed. "Alam mo ba ang lugar na ito?" "Hmm, not sure. Maraming magagandang beaches sa Masbate. And I've been away for so long. Hindi ko na halos alam ang mga lugar diyan." "I'm sure safe naman sa kinaroroonan ko." Hinarap niya sa sarili ang camera. "I'll be okay. Sorry at nag-panic ka. Just tell Jake that I was sorry." "All right." Joana was defeated. "You better be careful then. Sabihin mo lang sa akin kapag nagbago ang isip mo." "I will. See you soon." Pagkababa ng tawag ay dali-dali siyang nagbanyo at lumabas. The place was unexpectedly beautiful. Typical beach resort na may swimming pool and lounges. At gusto niya ang terrace ng restaurant na nakaharap sa dagat. Agad umiral ang pagiging writer at na-imagine ang sariling nagsusulat doon. Hindi tuloy niya alam kung ano ang uunahin. In the end, she opted to join the tour. People are so cheerful. Staff greets her every now and then. Hindi iisipin ng kahit na sino na Filipina siya kaya maging ang mga turistang kasama niya ay palagay sa kanya. Bukod kasi sa matangkad ay natural na makinis at maputi ang balat. Thanks to her father's genes. Ang sabi ay may lahing Spanish ang great grandparents nila. Who knows, hindi naman niya nagisnan ang mga ito. Ang isang araw na extension ay naging isang lingo. Ipinagpasalamat na walang naka-reserve sa isa sa mga nipa hut na inuokupa kaya hindi na kailangan lumipat. It was an splendid! Wala siyang ginawa kundi ang humilata sa araw, mag-tour at mag-swimming sa hapon at tumambay sa bar sa gabi. She had the taste of life that she never had in France. "I will write when I finally get my inspiration. Mahirap ang pilit..." nakaismid na bulong habang umiinom ng buko juice sa terrace ng restaurant at nakatanaw sa dagat. Pero ang inaakala niyang pagsasantabi ng pagsusulat hanggang sa makarating ang mga kaibigan ay nawala ng aksidenteng mahagip ng mata ang isang lalaki. Mula sa sinakyang delivery truck ay pinanood ito habang nagbababa ng mga styro boxes. Hindi matiyak kung bakit namagneto ang mata rito. Typical ang taas tulad ng mga lalaking nakilala niya sa France. But she loves his skin color. Hindi maputi pero hindi rin naman maitim. Clean cut ang gupit ng buhok at hindi mo rin masasabing gwapo. But there is something in him that triggers hidden emotion inside of her. Lalo na ang mata nitong tila nagbabadya ng isanlibot-isandaang misteryo. Wala sa sariling napatayo mula sa kinatatayuan at lumapit sa balustre upang masipat ito. "My love, my hero." Wala sa sariling nausal at gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi. Title yun ng isang lumang series ng pocketbook na nabasa noong kabataan. At sa tuwing nauusal yun ay nakakapag-umpisa siya ng isang kwento sa isipan. There, she found her inspiration in her upcoming novel. Sexy cowboy. A lonely and mysterious ranchero. Pagbalik sa kwarto ay agad kinuha ang laptop at inumpisahang i-plot ang kwentong nabuo sa isip dahil sa hindi inaasahang estranghero. "I want to see you again..." kinikilig na bulong ng wala sa oras.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook