Paris II: Neglectful

1686 Words
It was just a normal day for Jake. Pero ang hindi usual ay ang overseas call na deretsong natatanggap mula sa kinakapatid mula sa France. "Hindi ko kasalanan kung mas nanaig ang katangahan ng kaibigan mo. I was only an hour late. Bakit siya agad umalis." "Jhe is a smart lady, Jakey. Don't be like that! Pagod at hindi niya alam ang lugar kaya sa nag-panic. It was an honest mistake. Panay ang paghingi niya ng paumanhin. An hour drive will give me a piece of mind. I just want to make sure that she's really fine." "Sinabi niyang okay siya hindi ba. Ano pa bang gusto mong alamin ko? Come on pet. I'm a busy man. Alam mong maraming gawain dito sa rancho." "I don't believe what she said. I know my friend. Para hindi mag-alala ang mga tao sa paligid niya ay kaya niyang sabihin na okay siya kahit hindi." "A selfless person. Makes me want to meet her, eh." "Oh no! Not her Jakey. She's not a typical woman who will fall for you. Baka gawin ka lang niyang inspirasyon sa isa sa mga kwento niya." Tumikwas ang kilay ng binata. "That phrase made me want to meet her even more. At anong kwento itong sinasabi mo?" "Nevermind. Basta puntahan mo nalang siya please. Hindi ako mapalagay dahil hindi ko siya makontak ng buong-araw." "Kung hindi ko nakita ang naging paglaki mo ay iisipin kong hindi na lalaki ang gusto mo." "Haha, very funny! Come on please." Joana pleaded on the line. At ganuong tono ang hindi kayang hindian ng binata. "Sa By the Sea kamu ang tinutuluyan niya. May pupuntahan ako doon, pwede ko siyang i-check." "I know that you're busy. Pero mabibigyan mo yun ng oras. I won't stop bugging you unless you meet her. And you're supposed to meet her the other day. Kung bakit nahuli ka ng dating." Sa bandang huli ay nagpakawala ng marahas na paghinga si Jake. "Okay, okay pupuntahan na. Kung hindi ka lang malakas sa akin. Chiks ba ang makikita ko?" "I told you, she's off limits! Parang kapatid ko na si Jhe. Kung sino ang kaaway niya ay kaaway ko rin. You better not lay your hands on her. Ako ang makakalaban mo." "Intriguing. Pero mahaba na ang long distance call mo. I better get to know this Jhe. Mas overprotective kapa sa kanya kesa sa kapatid mo." Nagpakawala ng mahinang pagdaing ang nasa kabilang linya. "Some people deserves respect even if they're not our blood. Maiintindihan mo rin kung bakit ako ganito sa kanya kapag nakilala mo siya." "All right. All right. I'll go and check on her. I'll see you soon." Matabang na turan ni Jake bago ibaba ang tawag. Kapatid si Joana ni Diana, her now ex-wife. Although naka-finalized palang ang divorce nila sa Colorado ay tuluyan ng tinapos ng dating asawa ang namamagitan sa kanila. Diana Rivera was his childhood sweetheart. Magkaibigang-matalik ang magulang nilang dalawa. Or atleast to her stepmother, Emma. Kasabay ng pagtanggap nito sa kanya bilang legal na Montalban ay ang itinakdang pagpapakasal sa kanya sa anak ng matalik na kaibigan. At hindi naging problema yun kay Jake. Diana was a very beautiful and seductive woman. Walang lalaki sa buong bayan ang hindi nakakakilala rito. Mabait at masunuring anak. At higit sa lahat ay galing sa kilalang pamilya. Ang malaking talon na nagbibigay patubig sa lupain ng buong rancho ay nasa mga Rivera. That made her the best bride for him. He adored and cared for her for a long time. Pero binago ito ng America nang magparoon sa pagkuha ng Masters Degree. Hindi lang naging moderna sa pananamit pero maging ang paniniwala nito sa pangkalahatan. Despite being conservative, Jake married her. Sa unang mga taon ay okay ang pagsasama ng dalawa. Pinakitunguhan ang pagiging moderna ng asawa at pinilit ang mamuhay sa ibang bansa. Pero hindi ang pagkawala ng dapat ay magiging anak dahil lang hindi kayang iwan ni Diana ang social life. After six years of not seeing her, he went back to Colorado last year to finally woo her. Wala namang sugat ang hindi naghihilom sa paglipas ng panahon. He decided to give it a try for one last chance. Pero si Diana pa ang nagbigay ng ultimatum. She will stop working, but he has to stay in Colorado, permanently. Labis-labis ang pagtutol ng kalooban. Diana can ask for anything except that. Ikamamatay ang malayo sa rancho ng matagal na panahon. He loves the free-life in the province. Ang amoy ng damong nababad sa hamog sa umaga. Ang kaparangan, at ang lahat ng bagay na kinalakihan. He finally gave up. At thirty-six, he is now divorce, single and lonely. Ni walang kadalagahan tatanggap dahil hindi gustong may masabi ang mag-asawang Rivera. Though may mangilan-ngilan fling na kinasasangkutan sa kabilang bayan ay hanggang doon na lang nagtatapos yun. He vowed not to get involved with any woman anymore. Tama ng may isang babaeng muntik ng sumira sa katinuan. Ipinagako sa sariling uubusin ang lahat ng oras at panahon sa rancho. Kinaumagahan ay nagpunta sa By the Sea ang binata. Ang totoo ay ilang beses ng nagpapabalik-balik doon upang i-monitor ang kalagayan ng kasintahan ng kapatid. Angela has been there for weeks at sa paglipas ng mga araw ay napapansin ang kakaibang pagbabago nito. That three short weeks he had spent time with her was such precious memories na babaunin hanggang sa pagtanda na marahil. Because he will never fall in love. He vowed himself not to fall in love again. Especially not to her. Ngunit ang gagawing pag-check sa bisita ng kinakapatid ay dagling nawaglit sa isip nang makita ang anyo ni Angela ng araw na yun. She's looking pale and worse that he has to force her to rest. Nang sumunod na araw naman ay ang hindi inaasahang pagdating ng kapatid na si Hans mula sa syudad. Pinanood kung paano tila maglaro ng tug of war ang magkasintahan. Ikinabahala ang pagkadawit ng wala sa oras sa gusot ng mga ito. Ilang argumento ang namagitan sa pagitan nilang magkapatid dahil ikinagulat ni Hans ang naging pagtrato ni Angela rito. At higit sa lahat ay ang paghinalaan siyang may gusto sa babae. Nakaramdam ng kaunting guilt pero hindi umamin. Si Hans na lang ang nag-iisang pamilya sa mundong ito. He will never trade him for anything else. Besides, it's obvious, Angela still loves him. And loves him deeply. Kahit anong pagmamatigas ng dalaga ay mananatili nitong mahal si Hans. Saksi siya sa pagmamahal na yun. Kaya naman muntik pang masuntok ang sarili nang muling gambalain ng tawag ng kinakapatid. Joana was furious of course. Pero nang maipaliwanag ang kalagayan ay nanghingi naman agad ng paumanhin. "Itatawag ko ngayon din sa resort kung kumusta ang kalagayan niya". "My God Jakey! It's been weeks since I called you. Pauwi na kami diyan at lahat. What if she's not really okay." "Hindi siya tatagal sa resort kung hindi siya okay. Besides, kilala ko ang namamahala doon ngayon. Natitiyak ko sayong hindi pipitsugin na resort ang tinutuluyan niya." "I can't believe you! Nagpabalik-balik ka kamu doon. Paano nawaglit sa isip mo ang dapat na gagawin mo!" Yeah, Jake wanted to ask himself the same thing. But he is really distracted. Hindi mabigyan ng kasagutan ang maraming katanungan sa isip. Parehong matimbang ang dalawang taong pinapagitnaan. Surely he cares about Angela, pero mas matimbang ang damdamin ng kapatid. At ngayon ay talagang galit si Hans at nagbanta pang aalis sa ng bahay at lilipat sa kung saan. "I will never forgive you if something happens to her." "You are referring to a twenty-nine year old lady, right? Ayokong isiping masyado kang overreacting." "I don't want to explain any further. I'm going to rebook my ticket and fly to Manila as early as tomorrow-" "You don't have to do that. Kung ibababa mo ang tawag, ngayon din ay ikokontak ko ang hotel." Joana calmed down for a bit. "Gusto ko lang munang ayusin ang tungkol sa kapatid ko at sa girlfriend niya." Sinubukang ipaliwanag ang sitwasyon. "I hope you understand. Hindi lang simpleng away ang nangyayari sa pagitan namin." "Are you sure you don't have feelings for his girlfriend? Baka naman may pinanggagalingan ang hinala niya." "Come on, pet. Not you too." "Yeah right. Kahihiwalay niyo lang ni Diana." Isang mahinang pag-ungol ang pinakawalan "I'm sorry, I was inconsiderate. Ilang buwan palang mula ng ma-file ang divorce ninyo." "Matagal ko ng tinanggap ang katotohanan na hindi na kami mag-asawa. Sinubukan ko lang ayusin at nagbabakasakali kung pwede pang maayos kaya ako nagpunta sa Colorado last year. Alam nating hindi gusto ng matatanda ang broken marriage." "Old people are still conservative. I'm sorry for mentioning her. I was just worried about my friend." "Masbate is a safe place Joana, alam mo yan. At sinabi kong maayos ang kinaroroonan niya. Paniwalaan mo ako. Bukas na bukas rin ay pupunta ako sa By the Sea." "Promise?" "Kung hindi ko man siya makaharap ay titiyakin kong magiging maayos ang pananatili niya roon. Nagkataon lang talagang may inaayos akong bagay-bagay sa personal kong buhay." Sandaling katahimikan. "I'm sorry Jakey. I overacted. Hindi ako dapat nagde-demand ng ganito. But you see, my friend hasn't been anywhere outside France. Ang tanging lugar na napuntahan niya maliban sa Pilipinas ay ang bansang ito. She basically doesn't know anything about traveling solo. And she is a little trusting sometimes." "Na siyang kabaligtaran mo." "Yeah." Jake was confused. At kung wala lang isipin ay natitiyak na uuriratin ang biglang tila pagkasukol ng kausap. Kinabukasan, maaga palang ay talagang sinadya sa mismong resort ang naturang Jerica na ito. Pero ayun sa reception ay wala daw ang babae at nagpaalam na may out of town. Ibinilin na huwag galawin ang gamit at babalik rin. Naisipan nalang na bayaran ang natitirang bills ng kwarto bilang pampalubag loob sa kinakapatid. Ibabalita nalang yun kay Joana nang matanaw si Angela sa dalampasigan. Walang pagdadalawang-isip na nilapitan ito. Ikinagulat pa ang sinabi nitong paglalasing ni Hans kaya ito natulog sa kwarto ng dalaga Nang umagang iyun ay isang hindi inaasahang pangyayari ang nagbigay lamat sa relasyon ng magkapatid.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD