KABANATA 22: “ANONG GINAGAWA MO rito?” takang tanong ni Dalee kay Caro. Marahang tumikhim si Caro, kinakabahan sa kung ano ang kanyang isasagot. Ilang saglit pa ay bumangon na si Dalee sa kanyang kama at tumingala sa kanya. He was still looking at her. “Hmm, pinaalis ko na si Bia. Gusto ko sanang kumain ng breakfast kasama ka.” Umawang ang labi ni Dalee. Saglit na natigilan ito pero nakabawi rin at tuluyan nang bumangon mula sa higaan. “Matuto ka nang magluto ng pagkain mo.” Napapailing na dumiretso ito palabas ng kwarto. Habang si Caro naman ay naginhawaan. At least hindi na ito naghinala sa ikinilos niya. Sumunod siya kay Dalee sa paglabas mula sa kwarto nito. Nakita niyang dumiretso si Dalee sa banyo at nagsara ng pinto kaya naman naupo na muna siya sa sofa para maghintay. Inil