KABANATA 21: PAGBALIK NI DALEE sa apartment niya ay nakasuot na ito ng matino. Halatang nahiya ito sa suot niya kanina. “Ex-girlfriend siya ni Andres,” panimula ni Dalee. Inihiga niya na sa sofa ang babae. Mukha itong tangang tumutulo ang laway, buhaghag ang buhok at hulas na ang make up. “Ganyang babae ang gusto ni Andres?” nakangiwing tanong ni Caro. Pumameywang siya at ininda ang sakit ng kanyang likod. Mabigat ang babaeng ito at nanakit ang likod niya dahil sa sobrang bigat. “Maganda naman iyang si Bia, wasted lang siya ngayon. Medyo malandi nga lang talaga at hindi makontento kay Andres. Sa loob ng dalawang taon nilang relasyon, tatlong beses siyang nagloko, pangatlo 'yong noong nakaraan.” Bahagyang natawa si Caro. “She’s not pretty, her face was covered with make up.” “Ang lai