KABANATA 20: DALI-DALI NAMANG hinanap ng ama ni Buboy ang litratong sinasabi niya. Pumasok ito sa isang kwarto at naghalughog doon. Ilang saglit pa ay lumabas na ito dala ang litratong sinasabi niya. Ang litratong iyon ay tila ba ini-print kailan lang. Kaagad naman itong iniabot kay Prosecutor Hana. Nang makita iyon ng Prosecutor ay napansin niya ang mukha ni Buboy ngunit hindi ang mukha ni Tutoy. “Hindi niya ho ba katrabaho si Tutoy?” Napakamot sa likod ng ulo ang matanda, “ah, si Tutoy? Hindi yata… pero noong nakaraan isinama niya, iyon ‘yong nahuli sila. Sinisisi kami ngayon ng nanay ni Tutoy dahil ipinahamak daw ng anak namin ang anak nila…” ani nito. Kaunti lang ang impormasyon na nakuha nila mula sa ama ni Buboy ngunit malaking tulong na rin ang litratong ibinigay nito. Sa pagkak