KABANATA 7:

1188 Words
KABANATA 7: NANG MAKUHA NA ni Dalee ang order niyang palabok ay agad-agad siyang lumabas ng restaurant para puntahan ang likod nito. Ramdam niyang may kakaiba sa kanyang kutob kaya minabuti niyang sundin ang kanyang instinct. Dumiretso siya sa likod ng restaurant, maingat na inakyat ang bakod na nakapagitan doon. Pagbaba niya pa lamang niya ay naamoy na niya ang masangsang na amoy. Napatakip siya ng ilong dahil doon, sa tatlong taong serbisyo niya bilang Detective ay hindi siya nagkakamaling amoy ito ng masangsang na dugo. Halos isang buwan na ang nakalipas mula nang malaman ang pagkamatay ni Gia Laparan at ang amoy ng dugo ay kakaiba na, nangangamoy bulok na. Ilang daga ang nagtakbuhan nang lumapit siya sa isang kulay itim na basurahan. Nakatakip iyon. Tinungo niya iyon at binuksan, at halos magimbal siya nang makita ang nagtumpukang patay na pusa sa loob ng basurahan! Nakakasulasok ang amoy, mabaho! Kaya mabilis na dinukot niya ang cellphone sa kanyang bulsa saka kinuhanan ng litrato ang nakita niya. Matapos no’n ay nagmamadali siyang umakyat muli sa bakod para sana umalis na at bumalik sa police station para humingi ng back up ngunit napahinto siya. Pagbaba niya mula sa bakod ay naabutan niya iyong matandang babaeng binilhan niya ng palabok sa loob ng restaurant. May hawak itong mahabang kutsilyo at mukhang galit ang ekspresyon. “Anong ginawa mo r’yan?” masungit na tanong niya. Ngumisi siya saka kinuha ang wallet niya kung saan naroon ang kanyang ID bilang pulis. “Pulis ho ako. Nakita ko ang mga patay na pusang naroon sa likod ng bakod. Bakit parang napakarami naman yata?” takang tanong niya. “Mga alaga kong pusa. Namatay dahil wala na akong maipakain sa kanila.” Hindi siya kumbensido sa sinabi ng matanda pero tumango siya saka ngumiti. “Ganoon po ba? Naamoy ko ho kasi, hindi po dapat kayo nagtatambak ng ganyan lalo na’t restaurant ang negosyo n’yo.” Isa pa, baka bigla siyang tagain ng mahabang kutsilyong iyon kung magtatanong pa siya. “Ako na ang bahala, makakaalis ka na.” Tumango siya at saka naglakad nang dire-diretso. Nang malampasan na niya ang matanda ay nagmamadali na siyang dumaan sa eskinita ngunit hindi pa siya nakakalayo ay may humarang na sa kanyang isang matangkad at matabang lalaki. “Magandang umaga ho Miss Detective, ‘di ho ba kayo ang nag-iimbestiga sa kaso ni Gia?” seryosong tanong nito. “Oo, bakit? Sino ka?” Sa pagkakataong ito ay nag-uumpisa na siyang kabahan lalo na at wala siyang kasama. Kung alam niya lang na magiging ganito edi sana pinasama na niya si Andres.  “Ako ang kapatid ni Abigail. Bakit kailangan mong pumunta rito? Naghihinala ka ba sa kapatid ko?” kunot ang noong tanong nito. Lumunok siya saka taas ang noong tiningala ito. Higit itong mas matangkad sa kanya ng ilang dangkal. “Bakit? May kailangan bang pagdudahan?” “Miss Detective, bakit hindi mo na lang itigil ang pag-iimbestiga? Napapagod ka lang kahahanap sa kung sino man ang pumatay sa malanding babaeng ‘yon.” Tila nagpantig ang tenga niya nang marining niyang tawaging malandi si Gia Laparan. Doon ay napagtanto niyang mukhang tama nga yata ang hinala nila ni Andres na si Abigail Paez ang pumatay sa kaibigan niya. “Wala kang karapatang patigilin ako. Kapitbahay ng kapatid mo ang hinahanapan namin ng hustisya. Kaya bakit mo ako patitigilin?” Nag-igting ang panga nito, nakita niya ang pagkuyom ng mga kamao. Saktong pag-angat ng kamay nito at aambahan sana siyang suntukin nang isang kalabog ang nagpatigil dito. Lumingon siya sa kanyang likuran. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Andres, nakadapa na ang matanda at nabitiwan ang mahabang kutsilyo sa sahig. Pinosasan ni Andres ang mga kamay nito saka mabilis na tumayo matapos damputin ang kutsilyo at pinalipad sa kung saan. “Sino ka? Anong ginawa mo sa nanay ko!” Sumugod ang malaking lalaki kay Andres at mabilis na sinuntok ito sa mukha.  Hindi naman nag-alangan si Andres na gumanti rin ng suntok. Wala ng inaksaya pang oras si Dalee, tinulungan niya si Andres dahil mukhang hindi nito kakayanin ang isang dambuhala. Ngunit nagkamali siya nang umikot si Andres, umangat ang paa saka malakas na pinatama iyon sa leeg ng lalaking kalaban niya. Mabilis na bumagsak ito sa lupa, halos yumanig pa ang sahig dahil sa bigat nito. “Ang posas!” utos ni Andres. Agad naman siyang tumalima kahit na nagtataka pa rin siya kung paano iyon nagawa ni Andres. Pinosasan niya ang lalaki. Matapos niya iyong posasan ay kinuha niya ang kanyang cellphone saka tinawagan ang police station for back up. DUMATING KAAGAD ANG mga pulis ilang minuto lang ang nakalipas mula nang tawagan ni Dalee. Naroon si COP Niel na nakatingin sa kanila. Nahuli na nila si Abegail Paez. Siya na ang naging prime suspect sa krimen, matibay ang ebidensya laban sa kanya. Hinalughog nila ang buong restaurant at doon nakita ang kutsilyong ginamit sa pagpatay kay Gia. Malinis na ang crime scene dahil nilinis muna iyon ni Abigail kasama ang kanyang kapatid na lalaki. Napag-alamang sanay sa pagpatay ang kapatid nitong lalaki dahil isa itong hired killer. Natulungan siya nitong linisin ang mga bagay na pwedeng magturo kay Abigail. “Magandang umaga, ako si Chief-of-police Niel Valdez ng Station 5. Kahapon ng umaga ay nahuli na namin ang prime suspect sa pagpatay kay Gia Laparan. Napag-alamang galit, inggit at selos ang puno’t dulo ng lahat. Galit si Abigail Paez kay Gia Laparan dahil sa dami nitong nararating sa buhay, inggit siya dahil tila hindi raw pinaghihirapan ni Laparan ang mga bagay na nakukuha niya at nagselos siya nang malamang ang lalaking nagugustuhan niya ay kasalukuyang nanliligaw na kay Laparan. Sa pagkakataong iyon ay pinlano niyang patayin si Laparan. Alas-tres ng hapon naganap ang krimen, lumabas na muna siya papunta sa kanilang bahay na katapat lang ng bahay ni Laparan. Tinawag niya ang kapatid niyang si Alwin Paez at tinulungan siya nitong maglinis ng crime scene. Matapos no’n ay dinala nila ang lahat ng ebidensya sa restaurant na pagmamay-ari ng kanilang ina. Sampung minuto lang ang distansya ng restaurant sa kanilang bahay. Habang pabalik sa crime scene, doon na tumawag si Paez sa mga pulis. Nagpanggap siyang nakakita kay Laparan.” Kaagad pinatay ni Dalee ang telebisyon matapos nilang mapanuod ang balita, in-interview si COP Niel Valdez tungkol sa inimbestigahan nila. “Naniwala ba talaga kayo–ibig kong sabihin tayo, na hindi si Abigail Paez ang pumatay sa kanya?” tanong ni Andres pagkatapos ay uminom sa lata ng beer. Naririndi na siya kay Andres. Ilang beses nang pumuntos ito sa kanya, hindi talaga ito ang kaibigan niya. “Ikaw ang nagsabi na hindi pwedeng si Abigail Paez ang pumatay kay Gia Laparan dahil sa lakas nitong humagulgol pagkarating natin sa eksena.” Hindi ito nakakibo, hinintay niyang may sabihin itong iba at hindi na talaga nagsalita, saka niya ito nilingon. “Ikaw ba talaga si Andres?” tanong niya sa nang-uuyam na tono. Inilapag ni Andres ang lata ng beer sa ibabaw ng lamesa saka siya nilingon pabalik. “Kung sabihin kong hindi, maniniwala ka ba?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD