KABANATA 6:

1265 Words
KABANATA 6: LABIS ANG KABANG naramdaman ni Caro nang dahil sa tanong na iyon ni Dalee. Akala niya talaga ay nabuking na siya nito sa totoong pagkatao niya. Kailangan niya nang mag-ingat kung ayaw niyang malaman nito na hindi talaga si Andres ang nasa katawang ito. Imbes na sumama kay Dalee ay minabuti niya na lamang na hindi sumama. Hinayaan niya itong tumawid para sumakay ng jeep. Saka lang siya umalis doon nang tuluyan nang umandar ang jeep na sinakyan nito. Bumuntong-hininga siya saka dinukot ang cellphone sa kanyang bulsa. Mabuti pang tawagan niya na muna si Clemente para makipag-usap dito at patunayan na siya nga talaga si Caro. Ilang ring lang matapos niyang i-dial ang numero nito ay sumagot na kaagad si Clemente. “I’ve been watching you from afar since the yesterday.” Napakurap siya nang magsalita si Clemente sa kabilang linya. Kaagad siyang luminga sa paligid, pinapanuod siya nito? Pero nasaan ito ngayon? “Andres De Leon, huh?” “Where are you? We need to talk.” Nagmadali siyang maglakad habang patuloy pa rin ang pagsipat sa paligid kung may nakasunod ba sa kanya. Pero wala naman siyang nakikita. “I’m at the coffee shop across the street. Help yourself.” Kasunod no’n ay ang diretsong linya. Hindi na siya nagdalawang-isip pa na tumawid. Kahit kamuntikan na siyang masagasaan at binusinahan na ng mga sasakyan, hinayaan niya lamang iyon. Agad na hinanap ng kanyang mata ang coffee shop, hindi naman siya nabigo nang makita iyon sa kanyang harapan. Pagbukas niya pa lang ng pinto ay nakita na ng mata niya si Clemente, abala sa pag-inom ng mainit na espresso habang nakabantay sa likuran si Luna at Alberto. Nakaupo lamang at kunwaring mga normal na tao. Wala na siyang sinayang na sandali, tinawid niya ang distansya patungo kay Clemente saka siya naupo sa upuang katapat nito. “What did you find out, then?” Nagkibit-balikat si Clemente saka inilapag ang maliit na tasa ng espresso sa ibabaw ng lamesa.  “Well, I can see that Andres De Leon’s bestfriend, Hilda Lee, is suspicious about your actions. And I am getting and getting convinced about it. Caro De Luca hates women who smoke.” Tumikhim si Caro saka lumapit kay Clemente. “You don’t know how I escaped death, Clemente. I ran out of the purgatory just to get back without knowing I’ll be in this f*****g body. And I don’t know if the owner knows that I’ve been using this for almost three weeks. I don’t know when I should give it back to the real Andres but before that happens, I want to know who the f**k killed me.” Saglit na napatitig sa kanya si Clemente, sa pagkakataong ito ay halatang kumbinsido na talaga itong siya nga si Caro De Luca. “I tried to search who did this, but even us who have power, authority and knows everything, can’t find who it is…” Clemente sighed. “If you’re really the Caro De Luca, how would you escape the reality that you’re in another man’s body?” “Just like what I said, I need to find the man who killed me before he came back and take this.” “No, that’s not what I mean. If you go to Italy and find the one who killed you, what about his life here? You can’t just run away from all of these and then when the time comes, he’ll also come back here. That’s bullshit! Everyone around him would be surprised.” Hindi nakakibo si Caro. Doon niya napagtantong tama nga si Clemente. Hindi niya naisip ang tungkol sa bagay na iyon. Abala siya sa pag-iisip sa kung paano niya hahanapin ang taong pumatay sa kanya. Napakamot siya sa kanyang sentido saka marahang napamura. Now, he didn’t know what to do. “Well, I have a plan. But you also need to come with us. This is the last time that you’ll need to prove to me that you’re our Caro.” Marahang tumango si Caro at tuluyan ngang sumama sa kanila. Nang makarating sila sa lugar na sinasabing Clemente kung saan papatunayan niyang siya nga talaga si Caro, hindi siya makapaniwala. “Caro De Luca is good at shooting. I know that Andres is good at shooting as well since he’s a police officer but I know Caro’s.” Nagkibit-balikat si Caro, “can you tell me what you know about my shooting skill?” Ngumisi si Clemente saka dinampot ang baril na nasa lamesa. Inabot nito sa kanya ang baril. “Show me.” Napangiti siya’t umiling. Wala na siyang inaksayang oras, kinuha niya ang headphone saka inilagay sa kanyang ulo at tenga. Hawak ang baril ay iminuwestra niya ito at itinutok sa board. Caro has this habit of tilting his head before shooting. After doing that, he closed his left eye and pulled the trigger. The board was shot right in the middle. Napakagat-labi siya at natuwa sa kanyang nagawa kaya naman nilingon niya si Clemente. “I want to continue. I missed this!” he exclaimed. Pumayag si Clemente sa gustong gawin ni Caro. Itinuloy niya ang pagbaril sa board at tuwang-tuwa sa kanyang nagagawa. Maging ang mga katabing board ay pinagbabaril na rin niya. Ito ang madalas niyang gawin noon kapag wala siyang ginagawa kaya naman naging mahusay siya sa paggamit ng baril.  Sa edad na walong taong gulang, tinuruan na si Caro ng kanyang ama sa paggamit ng baril. Kailangan niyang matutong gumamit ng baril dahil ang mga nasa mundo ng Mafia ay palaging may banta sa buhay. Sanay na siya sa ganitong mundo… – RAMDAM NI DALEE ang  kakaiba kay Andres. Mula nang magising ito sa hospital hanggang ngayon ay hindi nawala ang hinala niyang hindi ito ang matalik niyang kaibigan. Siguro para sa iba, iisiping nababaliw na siya. Sinong maniniwalang hindi si Andres si Andres kung kitang kita naman? Pero nakasama at nakilala niya si Andres mula pa noong pagkabata nila kaya ni utot nito’y alam niya ang amoy at tunog. Mas lalo pa siyang kinutuban nang magsimulang magsalita ng ingles itong si Andres na kailanman ay hindi naging kasing slang at diretso ng pagsasalita nito ngayon. Madalas niya pa ngang laitin si Andres kapag nagsasalita ito ng ingles.  Mabilis na umiling si Dalee saka dumiretso na sa paglalakad. Hindi dapat si Andres ang iniisip niya ngayon dahil nasa trabaho siya. Ang kailangan niyang gawin ay puntahan ang restaurant kung saan ang huling pinuntahan ni Abigail Paez bago ang krimen na nangyari kay Gia Laparan. Pumasok siya sa loob ng restaurant. Walang katao-tao roon kundi ang isang matandang babaeng may-ari yata. “Magandang umaga ho!” bati nito sa kanya. “Ikaw ang unang customer namin, ano hong order mo?” “Ahh…” Nag-angat siya ng tingin sa menu na nakalagay sa itaas ng counter. “Isang maliit na bilao po ng pansit. Pa-take out na lang po,” aniya. Nagtaka naman ang matanda pero sa huli ay tumango ito at kumuha na ng maliit na bilao para sa palabok. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang wallet saka naglabas ng pambayad.  “Hmm, kilala n’yo ho ba si Abigail Paez?” Hindi nag-angat ng tingin ang matanda ngunit agad itong sumagot. “Opo, anak ko siya, bakit po?” Nanay ito ni Abigail? Kung gano’n maaaring dito siya galing bago ang krimen dahil nandito ang nanay niya. Ang restaurant na ito ay halos sampung minutong lakaran lang ang distansya sa bahay ng biktima… mas lalong lumakas ang kutob ni Dalee. This time, mukhang alam na niya ang posibleng nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD