KABANATA 5:
“DALEE?”
Kung hindi niya pa naalalang Andres nga pala ang pangalan ng katawang gamit niya, hindi niya pa lilingunin si Dalee.
“Bukod ba sa amnesia, nabingi ka na rin?” Umirap si Dalee saka inangat ang folder na hawak niya. “Ito ang crime report na iniimbestigahan natin. Basahin mo at baka maalala mong kailangan mo nang maalala ‘yan.”
Matapos na iabot sa kanya ni Dalee ang folder ay nagmamadali na itong umalis. Naiwan siyang nagtataka dahil sa reaksyong ipinakita sa kanya ng dalaga. Para bang nakakita ang mga mata nito ng kakaiba. Imbes na pakaisipin pa ay umakyat na lamang siya patungo sa third floor kung saan naroon ang apartment niya. Habang naglalakad, napakurap siya at tila may naalala… weird kasi. Bakit nandito si Dalee ng ganitong oras? Talaga bang sinadya pa siya nito para lang ibigay itong crime report? Minabuti niyang iisantabi na muna ang tanong na iyon at nagmadaling binuksan ang pinto ng apartment. Pagpasok niya ay sa loob ay agad niyang inalis ang tali na nakalagay sa unahang bahagi ng folder saka iyon binuksan. Bumungad sa kanya ang crime report. Maging ang litrato ng biktima ay naroon at ang mga bagay na nakitang ebidensya.
Case no: 1234
Approving Officer: Chief of Police Niel Valdez
Kumunot ang noo niya nang mabasa ang pangalan sa approving officer. Hindi niya alam pero may nararamdaman siyang kakaiba. Ilang saglit niya pang pinakatitigan ang pangalan bago niya itinuloy ang pagbabasa.
“Around 3 pm in the afternoon, Gia Laparan; the victim, found dead. Her neighbor saw her and reported the crime at 3:20 pm. The police came at 3:30 pm. From the examination, the victim has thirty stab wounds. Four in her neck, six in the chest, five in her face, seven in her abdomen, and the other were found in her back.”
Ipinagpatuloy niya pa ang pagbabasa sa crime report. Habang binabasa ang nangyari, pumapasok iyon sa kanyang isipan, kung paano ito ginawa at kung gaano ito kabrutal. It was a crime of passion. Guilt suddenly ate him when his memory flooded with the people he brutally killed. Walang nakakaalam sa lahat ng mga taong pinatay niya dahil ang lahat ng iyon ay inasikaso na ng kanilang organisasyon.
When he is still in his body, he’s free to do bad things. Ngunit kabaligtaran niya ang buhay ni Andres De Leon. Andres saved people while he killed them. He is the criminal that Andres has been chasing on his service as a police officer.
“Merda…” marahang usal niya.
Initsa niya ang folder na hawak sa lamesang nasa tapat ng sofa. Gusto niyang sakalin iyong lalaking nakasundo niya sa cheating well. Ni hindi manlang nito sinabing mapupunta siya sa ibang katawan! This is all bullshit! Naupo siya sa sofa at inilapag ang plastic ng pagkaing binili niya kanina lang. Nawalan tuloy siya ng ganang kumain.
Lagpas isang oras din yata siyang nakatulala habang nakatingin sa kawalan, kung hindi pa tumunog ang cellphone sa kanyang bulsa, hindi pa siya nagising sa katotohanan. Dinukot niya iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Kunot ang kanyang noo nang mabasa ang pangalang nakalagay roon; Hilda Lee.
Kahit nagtataka kung sino ang tumatawag sa kanya, kaagad niya ring sinagot ang tawag.
“Hello?”
“Andres! Nakalimutan ko ‘yong bag ko sa bahay. Ang tanga-tanga ko! Pakikuha nga at sundan mo ako. Nandito pa lang naman ako sa coffee shop.”
“Sino ‘to?”
Saglit na natahimik ang kabilang linya. Mayamaya pa ay natawa ito.
“Hilda Lee ba ang pangalang nakalagay sa cellphone mo? Gago ka kasi! Iyan ang nilagay mo, alam mong isinusumpa ko ang pangalan ko. Ako ‘to, si Dalee.”
“Gano’n ba, nasaan ba ang bahay mo?”
“Diyos ko, sana naman maalala mo na ako. Nand’yan sa tabi ng bahay mo! Sa room 508.”
Napakurap siya sa sinabi ni Dalee. Sa tabi ng bahay… ibig sabihin madalas silang magkakasama ng babaeng ‘to kahit na sa trabaho?
“Are you Andres’ girlfriend?” tanong niya, namamangha.
“‘Di ba ikaw si Andres? Bakit tinutukoy mo ang sarili mo gayong ikaw naman ‘yan? At saka, huwag kang feeling, hindi mo ako girlfriend. Walang namamagitan sa ating dalawa, magkababata lang tayo at matalik na magkaibigan mula noon. Bakit? Nagbago na ba ang tingin mo sa akin? Babae na ba? Hindi na tomboy?”
“Stop talking shits, tell me your passcode then.”
Naiirita na siya. Pakiramdam niya’y mas lalong lumalala ang sitwasyon. Kung palagi silang magkasama nitong si Dalee, hindi malabong mapapansin nito ang kakaiba niyang kilos. Hindi niya rin naman kasi alam kung paano kumilos itong katawang ginagamit niya.
“888333.”
“Niloloko mo ba ako?”
“Iyan ang passcode ko.”
Pinatay na ni Dalee ang tawag matapos sabihin ang huli. Hindi niya na lang pinansin ang tila ba dismayadong tinig nito. Basta tumayo na siya sa kanyang kinauupuan saka bumalik sa kwarto para magbihis. Imbes na magkulong siya sa bahay na ito, might as well join Dalee. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya sa katawang ito. Paano kung ito na nga talaga ang magiging buhay niya? Kailangan niya na itong tanggapin.
Matapos magbihis ay lumabas na siya’t pinuntahan ang bahay ni Dalee. Kung gaano kalinis ang bahay ni Andres nang makapasok siya roon, ganoon naman kakalat ang bahay ni Dalee. Hindi siya makapaniwala na babae ang naninirahan dito. Kalat-kalat maging ang underwear nito sa kung saan-saan lang. Pilit niyang hindi pinansin ang mga iyon at hinanap na lamang ang bag na sinasabi nito. Nakita niya rin naman iyong bag. Iyon ang bag na bitbit ni Dalee noong binibisita siya nito sa hospital kaya malamang na iyon nga iyon. Binuksan niya na muna ang bag at sinuguro ang laman bago siya muling lumabas.
Hindi niya kabisado ang mga lugar dito dahil hindi pa naman siya nakakarating dito kaya naman kinailangan niya pang magtanong-tanong para hanapin ang coffee shop na sinasabi ni Dalee. Nang makalabas siya sa street kung saan naroon ang apartment na tinitirhan niya ay naabutan niya si Dalee, nakatayo sa gilid ng kalsada habang naninigarilyo.
Nag-init bigla ang ulo niya nang makita kung paano nito hithitin at ibuga ang usok ng sigarilyo. Dali-dali siyang naglakad palapit at kinuha ang sigarilyong hinihithit nito. Nabigla si Dalee sa ginawa niya. Lalo na nang humithit din siya sa sigarilyong iyon saka itinapon sa sahig at inapakan. Ibinuga niya ang usok saka nag-angat ng tingin kay Dalee.
“Hindi maganda sa babae ang naninigarilyo.” Inabot niya ang kulay itim na bag.
Hindi kumibo si Dalee habang nakatitig lang sa kanya, hindi niya mawari kung ano ang iniisip.
“Abutin mo na ‘to, nangangawit na ako,” reklamo niya.
Suminghap si Dalee saka kinuha ang bag, isinukbit niya iyon sa kanyang balikat. “Hindi ikaw si Andres, tama?”
Tinubuan ng kaba ang dibdib ni Caro nang marinig ang tanong nito sa kanya. Umawang ang kanyang labi para sana magsalita ngunit hindi niya mahanap ang tamang salitang dapat sabihin.
“A-ano bang sinasabi mo?” Iyon lang ang tanging nasabi niya pero ang kaloob-looban niya’y naghuhurumintado na sa kaba. Panay mura na siya sa kanyang isipan. Ang bilis naman nitong mapansin!
“Hay! Kailan ka pa ba gagaling? Na-mi-miss ko na ang Andres ko!” Kumamot si Dalee sa likod ng kanyang ulo.
Kumurap ang mga mata niya sa naging reaksyon ni Dalee. “Huh?”
Tinapik siya nito sa balikat saka ngumiti. “Kilala kita Andres, alam kong gusto mong sumama sa akin. Pero sa ganyang sitwasyon, mabuti pang umuwi ka na at ipahinga ‘yang utak mo para maalala mo na ako.”