KABANATA 10: ILANG BESES NA rin siyang nagpabalik-balik sa kabinet para tingnan kung ayos ba ang suot niyang damit. Ito ang unang araw na papasok siya sa police station kung saan nagtatrabaho si Andres. Gusto niyang matawa. Isa siyang kriminal na magtatrabaho bilang pulis. Mapaglaro talaga ang tadhana. Napailing na lamang siya nang sa pang-ilang beses niyang balik sa harap ng salamin ay hindi pa rin niya gusto ang damit. Masyadong luma ang mga damit ni Andres, parang ilang taon na mula nang bumili ito ng bago. Napakamot siya sa kanyang sentido gamit ang daliri. May pamilya na ba itong si Andres para magtrabaho pero hindi bumibili ng damit na bago? Kulay grey na polo at simpleng jeans ang sinuot niya saka isinuksok sa kanyang bulsa ang ID ni Andres sa pagkapulis. Nilagay niya sa kabila a