Chapter Twenty Two Part 2

2517 Words
Chapter 22 Part 2 Ruth Nilingon ko ang pintuan. Pabalang na binuksan iyon ni Dylan. Ang nagbabagang mata ay nasa akin. Hindi pa man nakakalapit, tanaw ko na ang pag igting ng panga niya at talim ng tingin. He gave ate Dawn a one-sided look. The woman is still sobbing and holding her jaw. Ang mahahabang biyas ni Dylan ay nakakatakot tingnan habang papalapit sa akin. Agad kong inalis ang mata sa kanya. Yumuko ako at sinubukang punasan ang dugo sa ilong ko. I rummaged my bag with my trembling hands for my handkerchief. Pero may nagpalag na ng Kleenex box sa harapan ko. Humatak ako ng tissue. Isa, dalawa, tatlong beses. Hindi na iyon umabot sa ilong ko. He squatted beside me and automatically held my jaw. The pair of pissed eyes landed on my face. Inspecting, checking, carefully staring at the damage. Kahit hindi siya nagsasalita, kitang kita ang pagtagis ng bagang niya sa akin. I refused to meet his eyes. I felt safe in his hands but not in his eyesight. Pinalibutan kami ng kambal at mga pinsan niya. It looked . . . homey when I saw his broad shoulders. Kahit naka squat sa gilid ko, ang taas pa rin niyang tingnan. Magkasalubong ang mga kilay niya. Bigla akong nahilo sa ingay at mga naglalakad sa paligid ko. Kumikirot ang bridge ng ilong ko. Mula sa bulsa ng kanyang pantalon, nilabas niya ang checkered at kulay asul na panyo. Maingat niya iyong dinantay sa butas ng ilong ko. Tinaas ko rin ang tissue na hawak ko. Hindi niya iyon pinansin. He focused himself drying the blood on my ruined nose. Hindi pa siya kumikibo. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya. Malibang galit ito. One stainless bowl with cube ice came on the table. Inasikaso iyon ni ate Deanne. “Lagyan mo ng yelo,” udyok niya sa kambal. Dylan did look at it and at her. Natigilan si ate Deanne sandali. Tapos ay binitawan ang stainless bowl. “I’m sorry. It’s my fault.” Pinasadahan ni Dylan ang itsura ng kapatid. Habang nakahawak sa panga ko at sa panyo sa ilong ko. “Are you hurt, too?” Dylan’s voice was thin. Tumahimik ang lahat pagkarinig sa boses niya. Sina Dulce at Yandrei ay tahimik na nakikinig sa matatanda. They knew where to butt in. Inayos ni ate Deanne ang suot na cardigan na humulas nang kaunti sa kanyang kaliwang balikat. Umiling siya. Sinuklay ang buhok isang beses. “I’m fine. Nasabunutan lang ako ni Dawn. Pero . . . sinuntok ko rin siya sa mukha.” Binalingan ang kaibigan na nakaupo malapit sa entrance ng shop. Then, her phone rang. Agad niya iyong pinulot at tiningnan ang screen. Natigilan ang mukha niya. She nervously looked at her twin. “Tumatawag si Yale.” Nagtitigan ang magkapatid. Hindi sinasagot ni ate ang tawag ng kanyang asawa. After a while, Dylan shouted kuya Nick’s name. Lumapit si kuya Nick. Dylan gave him a firmed look. “Paalasin niyo na.” Utos nito sa pinsan niya. Sinulyapan ako ni kuya Nick at kumunot ang noo. “Pero . . .” “I’m not done.” He supplied. Hindi nagustuhan ni kuya Nick ang pinag uutos ni Dylan. Natahimik lang din ako dahil hindi ko maintindihan ang pagtanggi niya. Pinaalis nila si ate Dawn. Nagmamadaling umalis ang babae, yakap yakap ang bag sa tapat ng dibdib at panga. Sinundan iyon ng pagkainis nina Dean at Anton. Pero walang nagawa dahil sa tahimik na titig na sagot sa kanila ni Dylan. He was still holding my jaw. His thumb subtly caressing my skin. I gulped and tried to replace my hand on his handkerchief. “Ako na.” my low voice muffled. Hindi siya nakipagmatigasan sa akin. He let me wiped and checked the blood stains on his expensive hankie. Ang dungis ng pakiramdam ko sa mukha. Tapos ay pinapanood pa nila ako. Hindi naman ako sobrang nasaktan. Malamang na masakit din ang anit ni ate Deanne pero hindi niya sinasabi. I looked up at her. But she was still looking at her twin. Hindi inaalis ni Dylan ang mata sa akin. “Answer the phone, D.” Hinila ko ang stainless bowl. Nanginginig ang kamay ko. Kumuha ako ng isang yelo at pinaloob sa panyo. Pagkatapos kong ma-secure ay dinantay ko sa nasaktang parte ng ilong ko para maiwasang mamaga pa. Bumagsak ang kamay ni Dylan sa ibabaw ng hita ko. “Pumunta tayong clinic. Let’s have a check on you.” Umiling ako. Tinuro ko ang kambal niya. “Nasaktan din si ate Deanne. Ayos lang ako. Mamaya lang, hihinto rin ang pagdugo nito.” Paulit ulit kong dinantay ang panyo sa dugo. Nababawasan na ang nakukuha ko sa panyo. “I’m with my siblings and cousins,” nag excuse si ate Deanne at lumabas ng shop. I smirked while staring the bloody hankie. Ayokong magtunog na kabayanihan ang ginawa ko. “What is it all about? Bakit nag away away kayo?” Dulce asked. Dylan held my hand. Hinanap niya ang mata ko. “I’m not okay seeing you bleeding. You need to be checked by a doctor.” I gave him a hard look and stopped wiping my nose. “Hindi ko kailangan ng doctor. Magpapahinga lang ako.” I had been hurt by my biological father and I tended myself. Kapareho lang ito noon. I will heal on my own. There’s no need to fuss. Isa pa, nasaktan din naman si ate Deanne. Bakit hindi niya ‘yon makita kita? “Ihatid mo na si ate sa bahay.” “Yale will get her.” “Nandito ka na, bakit ‘di mo na lang ihatid?” I also wanted him to talk with her. Narinig ko ang lahat ng pinagsasabi ni ate Dawn. I have the feelings the she would be comfortable if she would have a word with her twin. Dylan can do something. I knew he can iron this. Hindi rin ako naniniwala sa binibintang sa kakambal niya. He made a grim look and suddenly stood up. Sinundan ko siya ng tahimik na tingin. I’m aware with Dulce and Yandrei’s curious eyes. Nilapitan ni Dylan si kuya Nick. Nag usap ang dalawa sa mababang boses. Dylan was in his usual corporate suit. Si kuya Nick ay nakasuot ng itim na v-neck shirt and blue denim pants. Pagkatapos ng ilang sandali, sinundan ni Dylan sa labas ang kambal. Si kuya Nick ay kinausap ang staff ng shop at humugot ng card sa wallet. Tumango ang babae at kinuha iyon. Parehong nakahalukipkip sina Dean at Anton. Naiinis pa rin sa nangyari. Dulce and Yandrei looked at each other. Tiningnan ko ang oras. Inayos ko na ang sarili para makauwi na rin. Pagbalik ni Dylan sa loob, he declared one unbelievable announcement. “Ruth is coming with me.” Natigilan at nagkatinginan ang magpipinsan. I even parted my lips. What a voice and tone. He didn’t need an approval. He just wanted them to know. “In my Penthouse.” “K-Kayo lang?” I gulped and looked at Dulce. Dylan nodded at his youngest sister. “Walang kasama sa apartment si Ruth. Ako ang mag aalaga sa kanya.” Isa isa nila akong binalingan. Sumipol si kuya Nick at namulsa. Ayoko nang makita ang reaksyon ng dalawang babae. I abruptly stood up. “Hindi ako sasama sa ‘yo.” Matigas kong sabi. Dylan sighed and gave me a firmed and determined look. “Isasama kita, sa ayaw o sa gusto mo. I won’t let you take care of yourself in that small house.” My jaw dropped. Nakipagtitigan ako sa kanya. “Kaya ko ang sarili ko.” “But I am offering myself and my home.” “Pero kuya-“ “Sasama rin ako.” Ate Deanne came in the middle of our argument. “Sa Penthouse ako matutulog ngayong gabi.” She announced smoothly. Tiningnan niya ako at nginitian. She then took her bag. “Dylan,” agaw atensyon ko sa kanya. He didn’t look at me. “Sasama na rin ako!” “Me, too!” Magkasunod na nagtaas ng kamay sina Dulce at Yandrei. “You, take care of yourselves.” Bilin ni kuya Nick sa dalawa. Lumabi si Yandrei. Si Dulce ay sinulyapan ako. “May lakad ako,” Dean announced. Ate Deanne gave his brother a grim look. “Gabi na. Saan pa lakad mo?” “Ako rin may lakad.” Segundo ni Anton. Destinations and plans were discussed. Hindi ako nagkapagsalita o nagprotesta. Saka ko lang napagtantong, crowded na namin ang maliit na shop na ‘yon. Hinila ako ni ate Deanne palabas. We were followed. Dylan opened the door for me. Sa likod. Katabi sina Dulce at Yandrei. We travelled to Makati in silence. Napapaggitnaan ako. Pasulyap sulyap ako sa rear view mirror. Madalas kong nahuhuli ni Dylan na nakatingin sa akin. Sa pangatlong beses, hindi ko inalis ang tingin sa salamin. Parehong nakapikit sina Dulce. Gusto kong malaman niya na hindi ko gusto ang pagyakag niya sa akin sa Penthouse niya. Hindi niya ako tinanong, basta na lang siya nagdesisyon. Pero pagod na pagod na ako. Fighting with him tonight is impossible. ** “Hindi ko alam na pupunta sila. Panay ang text ko pero walang reply. Ikaw lang ang sumagot sa tawag ko. Really.” Kwento sa akin ni ate Deanne habang nililinis niya ang mukha ko sa maluwag na banyo. Hinubad na niya ang suot na cardigan. I looked myself at the mirror. Nag shower ako. I had no choice but to wear Dylan’s T-shirt and boxer shorts. Dumeretso sa kama sina Dulce. Iniwan namin silang busy sa kanya kanyang phone. Nagsusuklay ng buhok si ate Deanne. Nahuli ko ang simple niyang ngiwi kapag nahihila ang hibla ng buhok. Nagkabuhol buhol din iyon. But she was determined not to show pain obviously. I sighed and stared at my own reflection. “Isu-surprise siguro nila ako. Pero sila ang na-surprise.” “Paano kung . . . may sabihin si ate Dawn tungkol sa ‘yo?” mahina kong tanong. She looked as if she didn’t care. She continued combing her hair. “She will not. Hindi niya sisirain ang career ni Grey.” Tiningnan niya ako sa reflection ng salamin. “Sorry, Ruth. Nasaktan ka pa dahil sa akin.” I sighed and shook lightly my head. I chose not to answer her. We finished our bathroom businesses and went to Dylan’s wide bed. Ako, si Dulce at ate Deanne and nahiga sa kama. Si Yandrei ay napiling mahiga sa couch. Umapela si ate Deanne na siya na lang doon pero agad na ginawang teritoryo iyon ni Yandrei. She knew that her cousin was hurt, too. “Good night, girls.” Ate Deanne’s voice then she turned off the lamp. After ten full seconds, I opened my eyes and stared at darkened ceiling. Nakita kong kapapatay pa lang ni Yandrei sa cellphone niya. There was a faint sound of comforter being pulled then it stopped. Tahimik na rin maging mga katabi ko. Dulce was in the middle. She was already asleep. Pero pakiramdam ko ay gising pa rin si ate Deanne. Mas gusto kong umuwi at isipin sa bahay ang nangyari. Iba na kasi ang pakiramdam na matulog sa ganitong karangyang bahay. Iba ang pakiramdam na mahiga sa malambot at mabangong kama ni Dylan. He offered this room solely for me. Ni hindi niya inalok ang mga kapatid at pinsan. I remember Dulce’s calm but monitoring face. Nilingon ko si ate Deanne. Nauna na siyang pumasok sa kwarto ng kambal niya. Dylan’s scent is on my skin right now. Sa ilalim ng dilim, tinaas ko ng kwelyo ng kanyang t-shirt sa ilong ko. I sniffed carefully like as if it is forbidden to do this. It smells of expensive fabric conditioner. It is soft and smooth. A kind of cloth that you can wear for three consecutive days and the scent is still in there. Hindi ko na siya nakita mula nang magpalit ako ng damit. Hindi ko alam kung tulog na rin ba siya o gising pa. Kung magbubukas ako ng cellphone, aagaw ng atensyon ang ilaw no’n sa kwarto. Kung magagawa ko, ano namang sasabihin ko sa kanya? We were not okay the last we saw each other. Hindi ko pa nasasagot ang paghingi niya ng sorry at pagpapadala ng mga pulang rosas. We haven’t formally talk. And aiming it right now is a bit awkward. I slept. Nabungaran ko ang bukas na pinto. Pumapasok ang kaunting liwanag. Bumangon ako. Si Dulce na lang ang katabi ko. Tulog na tulog. Si Yandrei ay nababalutan ng comforter sa couch. Barefooted, nilapitan ko ang pinto at sumilip sa labas. I abruptly traced the aroma of coffee and toasted bread. Sinundan ko ang amoy na iyon hanggang sa makita ko ang magkapatid na nag uusap sa kusina. Binalingan ko ang maluwag na sala. Nagsasalita si ate Deanne paglapit ko kaya hindi ko na narinig ang umpisa ang sinabi nito kay Dylan. “. . . room. I hate it when there are people around.” her voice was low. There was silence. I bit my lower lip. Should I barge in? Magpapaalam akong uuwi na? “Next time, mag iingat ka. Kung makikipag-usap ka sa kanya, siguruduhin mong walang makakakita sa inyo.” “Nagseselos si Dawn. Kapag pinagkalat niyang may affair kami ni Grey, alam din niyang hindi lang ako ang masisira. She is just jealous and blindly in love with him.” “Ano sa tingin mo ang gagawin ni Yale kapag narinig ‘yan?” “Sasabihin kong hindi totoo.” “Do you think, he will buy it? Knowing that you barely knew each other before marriage and that you are still in love with Grey? Deanne . . .” “We are awfully knowledgeable of our situations. Grey is aware of that. And he . . . he is vocal of our current relationship.” “You’re playing with fire.” “I know. Pero t’yak kong bantay-sarado na siya ni Dawn mula ngayon.” Nakita kong umiling si Dylan. “Mag iingat ka, D. Baka may malapit sa ‘yo ang tumalikod at magtraydor.” Ate Deanne’s phone rang. She took it from the tiled table and read the screen. Pagkabasa ay tumayo ito at kinuha ang bag. “Nasa baba na si Yale. Kanina pa niya ako gustong sunduin. Naiinip na ‘to.” “Ihahatid kita.” Tumalikod ako. Patakbo akong bumalik sa kwarto. Hinawakan ko ng knob nito pero hindi pinihit. Pumikit ako at pinakalma ang dibdib. The place was so quiet. Naririnig ko ang mahihinang yabag sa sahig, pagtunog ng lift at palitan ng salita ng kambal sa Ingles. Nang maubos ang ingay, bumalik ako sa sala. Umupo ako roon at pinagsalikop ang mga daliri. My lips a little parted. Tama ba ang pagkakaintindi ko? I knew, Dylan cared and loved her twin sister. Is he devotedly supporting her sister’s illicit love affair?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD