Chapter 2

2558 Words
NAUDLOT ang pagkain ni Dwayne matapos mabasa ang mensahe ni Wallace sa kaniyang cellphone. Nagtawag siya ng waiter at nag-iwan ng pera na bayad sa pagkain. Nababalisa siya. Ayon kay Wallace, may tauhan daw si Mariano na nakita siya sa airport ng Madrid at nalaman na patungo siya sa Pilipinas. Pinasundan kaagad siya ni Mariano. Malalaki ang hakbang na palabas sana siya ng restaurant ngunit siya namang tayo ni Ingrid. Sa gilid ng lamesa ng mga ito siya dumaan. Nasagi niya ang kamay nito na may hawak na baso. “Oh My God!” bulalas nito. Natigilan siya at awtomatikong tumitig sa gulat na mukha ng dati niyang asawa. Titig na titig din ito sa kaniya, na biglang nangunot ang noo. Ang boyfriend nito ay napatayo rin. “Be careful, dude!” nakataas ang tinig na sabi sa kaniya ng lalaki. Bahagya pa siya nitong itinulak sa kanang balikat. “Sorry, I’m in hurry,” sabi niya lang saka nagmamadaling lumisan. Kung magtatagal siya roon sa resort ay magkakagulo sakaling may nakamasid na tauhan ni Mariano. Naglalakad siya sa pampang ng dagat nang tumawag si Wallace. “Bro, where are you?” tanong nito sa kabilang linya. “I’m here at my rest house in Tagaytay,” tugon niya. “Alam ko pero saan banda? I think nasundan ka riyan ng kalaban.” “s**t! Are you sure?” “Narito ako sa Maynila, kararating ko lang. Pumunta ka rito. Magkita tayo sa Mall of Asia.” “Okay, I’ll go there now.” Pinutol na niya ang linya. Upang makatiyak na safe pati ang ibang taong nakapaligid sa kaniya, tinawagan na lamang niya si Mang Arnold at sinabi na kunin ang backpack niya at magsama ng ilang damit. Hawak naman niya ang kaniyang wallet na may lamang cards at pera. Nagkita sila ni Mang Arnold sa pampang ng dagat. Sa palikuran ng resort siya nagbihis. Humiram din siya ng ball cap sa ginoo at pera ng bansa. Nag-commute lang siya papuntang Maynila. Mabuti gabi na. Inabutan pa siya ng traffic. Papasok na sila sa Pasay City nang mapansin niya na may itim na kotse na pilit sumusunod sa kanila. Para itong may hinahabol. Nang mapansin na pumantay na ito sa taxi na sinasakyan niya ay kinalabit niya ang driver. “Puwede po bang pakibilisan pa?” sabi niya sa driver. “May speed limit po tayo, sir, baka mahuli tayo,” sabi nito. Naiinis siya. Mabilis din ang takbo ng kotse na humahabol sa kanila. O baka dinadaya na siya nito sa metro. Maya-maya ay pumantay ulit sa kanila ang itim na kotse. Nasa backseat siya. Nang tingnan niya ang kotse ay bahagyang bumukas ang bintana sa tapat niya at may nakatutok na baril. May nakasalpak na silencer sa dulo nito kaya tiyak na walang makaririnig sakaling pumutok. “s**t!” Napayuko siya. Lumusot ang bala sa bintana. Nasundan pa ang pagpakawala ng bala ng kalaban at sa kasamaang palad ay tinamaan ang driver. Wala nang may kontrol sa manibela. Nawala na sila sa kalsada. Mabuti walang balang tumama sa kaniya ngunit tila hindi bala ang papatay sa kaniya. Inararo ng taxi ang pader sa gilid ng kalsada. Bumaliktad ang taxi. Hilong-hilo na siya. Namayani ang matinding kirot sa kaniyang ulo nang ilang beses siyang mauntog sa matitigas na bagay. Hanggang sa tuluyang dumilim ang paligid niya. NAGISING si Dwayne dahil sa nakakikiliting bagay na kumakalikot sa tainga niya. Pagmulat niya ng mga mata ay mukha ni Wallace ang kaniyang nabungaran. Nakaluklok ito sa silya sa bandang kaliwa niya, may hawak na balahibo ng manok na siyang ginamit nito sa kanyang tainga. This as*hole was heartless. He tried to move but a sudden pain in his head stopped him. Saka niya naalala ang nangyari bago siya nalagay sa sitwasyon na iyon. Iginala niya ang paningin sa paligid. Mukhang wala naman siya sa ospital. Parang nasa loob siya ng hotel suite. “Where am I?” tanong niya sa kaibigan. Hindi siya nito sinagot. Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok ang magandang babae na tanging pulang pantyhose ang suot. Nakaladlad ang malulusog nitong dibdib na may nakatakip lang na maliit na pulang net sa n*pples nito. Malamang, fling ito ni Wallace. Halata sa mukha nito na hindi ito purong pinay, blonde ang buhok, maputi at bughaw ang mga mata. May dala itong tray ng pagkain. Inilapag ng babae sa mesita ang tray ng pagkain saka pumangko sa mga hita ni Wallace. Naghalikan pa ang dalawa sa harapan niya. “Puwede ba sa labas na kayo magkalat?” inis na sabi niya. “Huwag kang bitter, bro. Kung gusto mo ng partner, bibigyan kita,” ani ni Wallace. “Go to hell, a*shole!” asik niya. Pangako niya na hindi siya matutulad kay Wallace na womanizer. “Where am I?” pagkuwan ay tanong niya ulit. Umalis naman ang babae. “You’re here in my condo,” sagot nito, saka tumayo. Nilapitan nito ang pagkain. “May tumawag na nurse sa akin at pinapunta ako sa ospital kung saan ka isinugod matapos ang aksidente. Malamang number ko ang nakita nila na huling nakausap mo. Ah, hindi pala, tinawagan din nila ang caretaker mo kaso walang sumagot. Pinilit ko ang doktor na mailabas ka kaagad. Pumirma ako ng weaver para hindi sila sumabit,” paliwanag nito. “At bakit narito ako?” nagtatakang tanong niya. Pinitik nito ang ilong niya. “s**t! F*ck you!” he cussed. Maluha-luha siya sa sakit. Pasalamat ito hindi siya makagalaw, kung hindi ay bibigwasan niya ito. May benda pa sa kaniyang ulo at may nakatarak na suwero sa kaliwang braso niya. “Mag-isip ka nga. Kung mananatili ka sa ospital, malamang susugod doon ang tauhan ni Mariano at tuturukan ka ng kung anong nakamamatay na kimikal then, boom! You’re dead!” Umaksiyon pa ito na ginigilitan ng daliri ang leeg. Kung sa bagay, tama ito. Titiyakin ni Mariano na patay na siya. Matalino sana ang hangal na ito pero sa kasamaan ginagamit. Chemical engineer ito pero mas pinili maging sindikato. Kung sa bagay, pareho lang naman sila ng hikaw ng bituka. Mabuti nagretiro na siya sa pagiging mafia. Ang kaso, may naiwan siyang pinsala sa underground market kaya parang bangungot na hinahabol siya ng tinalikurang impyerno. Susubuan pa sana siya ni Wallace ng pagkain pero pinigil niya ito. Nagpatulong na lamang siya na makaupo. Inilapag naman nito ang tray ng pagkain sa kaniyang mga hita. “You know, you’re such a cowardly human being that I’ve ever met,” sabi nito nang makaupo muli sa silya. Humalukipkip ito at nagdi-kuwatro. Tiningnan niya ito nang masama. “I’m just saving my soul from hell, bro. I’m not like you, devoted ka na ni Satanas.” Nanlaki ang mga mata ni Wallace. “Loko ka, wala kang utang na loob, ah!” Tumayo ito at pinisil ang kanang binti niya na injured. “Aaaah! s**t!” Nanginig siya sa nakangingilong sakit. Binitawan din nito ang kaniyang binti. Wallace grinned. “Magpagaling ka, maghahasa lang ako ng sandata,” anito saka lumisan. Alam niya kung anong sandata ang hahasain nito. “Maputulan ka sana ng bayag!” pahabol niya. Nilingon siya nito at itinutok ang kaliwang kamay na may nakakuyom na palad, pagkuwan ay umusli ang gitnang daliri nito habang nakangisi. Hindi na niya ito pinansin. Kumain na lamang siya. PAGSAPIT ng tanghali ay dumating ang doktor na kaibigan ni Wallace. Nawindang si Dwayne nang matuklasan na miyembro rin pala ng Black Horn Organization si Dr. Clinton Grande, trenta anyos at magandang lalaki. Isa rin sa qualifications ng BHO sa bawat miyembro ay dapat good looking, artistahin kung baga. Magagamit kasi ito sa pagpapanggap. Habang inaasikaso siya ni Clinton ay may naisip siyang pangahas na ideya. Gagamitin niya ang kaniyang kalagayan upang makuha ang atensiyon ni Ingrid. Nakiusap siya rito na sakyan ang kalokohan niya. Pumayag naman ito. Bagong miyembro lang ito ng BHO at hindi niya naabutan pero handa itong tumulong sa kaniya. Iyon ang nagustuhan niya sa grupo, handang sumuporta sa bawat miyembro. “Nagkaroon ka retrograde amnesia kunwari. Ako na ang bahala sa record mo,” sabi nito. Silang dalawa lang doon sa kuwarto dahil umalis si Wallace. “Yeah, good idea. Pero kailangan mapaniwala natin ang asawa ko.” “Your ex-wife,” pagtatama nito. Napailing siya. “Fine, my ex-wife, pero mababawi ko siya at magiging asawa ulit,” determinadong sabi niya. Kumibit-balikat lang si Clinton. “Pagbutihin mo ang pag-arte nang hindi tayo sasaabit pareho. Nakataya rito ang lisensiya ko, bro. Nanumpa ako sa BHO na tutulong sa miyembro kahit sa anong paraan.” “Ako ang bahala kay Ingrid. Sasabihin ko rin naman sa kaniya ang totoo once napaibig ko siya ulit. Promise, hindi ka sasabit.” “Okay. I’m willing to help you to explain.” “Thanks, bro.” Tinapik niya ito sa kanang balikat. May condominium na pag-aari ang pamilya ni Ingrid sa Pasay City, malapit din sa mall na pag-aari ng mga ito. Ayon sa investigator niya na si Recadro, sa condo raw naglalagi kapag ordinary days si Ingrid dahil nagtatrabaho ito sa ilang ospital doon. Kilala rin ni Clinton si Ingrid dahil sa iisang ospital lang nagtatrabaho ang mga ito. “I’ll talk to Ingrid later. Pero dadalhin kita sa private hospital na pag-aari ng pinsan ko para doon siya papuntahin,” sabi ni Clinton. “Sure. Thanks.” Naalala niya, plano noon ni Ingrid na mag-specialize sa gynecology. Mukhang hindi natuloy. “Teka, ano ang specialization ni Ingrid?” hindi natimping tanong niya kay Clinton. Nilingon siya ni Clinton. “She said she started to specialize in gynecology last year. Tuloy lang ang training niya after passing the Physician licensure examination and residency,” tugon nito. “Ah, gano’n ba?” Mukhang busy si Ingrid. Patuloy ang pag-aaral nito habang nagtatrabaho. Maaring tumutulong na rin ito sa business ng parents nito. Pero wala naman itong inretes doon. Pagdating ni Wallace ay lumipat na sila sa private hospital kasama si Clinton. Alam niyang hindi tama ang pinagagagwa nila pero desidido na siyang makuha ang atensiyon ni Ingrid. Saka na niya itatama ang lahat kapag maayos na ang problema niya. Nakaratay pa rin sa kama si Dwayne dahil hindi pa gumagaling ang injury sa kaliwang binti niya. Pero kung tutuusin, hindi naman iyon malala. Ipahinga lang niya ito at regular therapy. Gabi na pero hindi pa bumabalik si Clinton na sumundo kay Ingrid sa hospital. Ginugupo na siya ng antok nang maramdaman niya ang pagbukas ng pinto. Nakapikit siya at inihahanda ang acting skills. Kumabog ang dibdib niya nang marinig ang boses ni Ingrid. Pero bakit parang marami itong kasama? “What happened to him?” tanong ng pamilyar na boses ng babae, tunog may edad na. Lalo siyang kinabahan. Dala ata ni Ingrid ang buong pamilya nito. May lalaki pang nagsalita na may edad na rin. Daddy ito ni Ingrid. “Nasangkot siya sa road accident matapos ma-ambush ang sinasakyan niyang taxi. Nagkaroon siya ng retrograde amnesia, which is, he only recognized those people he met five years ago. Wala siyang ibang bukam-bibig kundi ang asawa niya na si Ingrid Sarcedo. His condition was difficult to cure if no one could help him to manage his amnesia. At saka, wala siyang ibang kamag-anak dito sa Pilipinas kaya naisip ko na si Ingrid ang kausapin na tanging makatutulong kay Dwayne,” paliwanag ni Clinton sa magulang ni Ingrid. Mahusay rin ang acting skills ng isang ito. Kung sa bagay, kailangan din iyon bilang miyembro ng BHO. “Pero divorce na kami three years ago,” giit ni Ingrid, bakas ang iritasyon sa boses. “Hija, pagbigyan na natin si Dwayne. Kawawa naman, wala siyang pamilya, alam mo ‘yan,” sabi naman ng ina nito. “But mom.” “Your mother was right, Ingrid. Ikaw lang ang makatutulong kay Dwayne,” gatong pa ng ama nito. Parang may something sa mag-asawa, tila nasa kaniya pa rin ang simpatiya. Pero natutuwa siya dahil may malasakit pa rin ang mga ito sa kaniya. HINDI komportable si Ingrid sa hiling ni Dr. Grande at pinu-push pa ng mga magulang niya. Alam niya gusto pa rin ng mga ito si Dwayne para sa kaniya pero hindi na puwede. Lumabas siya ng kuwarto. Kaagad naman siyang sinundan ng kaniyang ina. “Anak, ganyan ka ba ka-harsh sa dati mong asawa? Hindi ka ba naaawa sa sitwasyon niya?” Kinunsensiya pa siya ng kaniyang ina. Hinarap niya ito. “Mom, hindi n’yo ako naiintindihan. Kaya nalagay sa ganoong sitwayson si Dwayne, marahil dahil sa mga kaaway niya. Na-ambush siya sakay ng taxi, namatay ang driver. Ang lubha ng damage na ginawa niya,” aniya. Pumalatak na siya. “Hindi mo pa alam ang buong kuwento, huwag ka munang humusga. Malay natin, matagal nang nagbago si Dwayne.” “Still, I can’t accept him,” giit niya. “Galit ka pa rin ba sa kaniya?” Bunuga siya ng haningin. “Hindi naman sa ganoon, Mom. Natatakot lang ako baka guluhin siya ulit ng mga kalaban nila sa organisasyon. Kahit pa umalis na siya sa grupo, baka may naghahabol pa rin sa mga nagawa niyang kasalanan. Gusto ko ng tahimik na buhay. Isa pa, ikakasal na ako kay Jake.” Umasim ang mukha ng kaniyang ina. Alam niya tutol pa rin ito kay Jake. “Nag-aalala lang ako, anak. Sorry but I don’t like Jake for you.” “Mommy naman. Huwag naman kayo ganiyan kay Jake.” “Come on, hija. Your dad was right, it’s too early to marry Jake. Kailan lang kayo nagkakilala, ah. Napakapusok mo sa lalaki. Ganoon ka rin noon kay Dwayne, noong inalok ka ng kasal, um-oo ka kaagad.” “Dahil mahal ko si Dwayne!” wala sa loob na sagot niya. “Mahal mo pa siya?” Natigagal siya. Mali ata ang pangalang nabanggit niya. “I-I mean… si Jake,” pagtatama niya. “Pero hindi mo pa siya lubos na kilala, anak. Mabigat din ang loob ko sa kaniya. Sobrang yabang at-” “You’re just a judgmental, Mom.” “Eh mas mainam na iyon kaysa mabilis magtiwala.” She rolled her eyes as she noticed that her mother seems to pursue her to accept Dwayne again. Wrong timing pa si Dr. Grande nang kinausap siya. Sinundo siya ng parents niya sa ospital at sana’y sabay silang mag-lunch. Mas excited pa ang mga ito nang malaman ang tungkol kay Dwayne. Bumalik sila sa silid na inuukupa ni Dwayne. Napako ang mga paa niya sa pintuan nang mapansing gising na ang lalaki at kausap ang kaniyang ama. Parang magkaibigan lang ang dalawa. Hindi niya nakilala noong una si Dwayne. Kumapal ang balbas nito, humaba ang buhok at kayumanggi na ang balat. Naalala niya, ito ‘yong lalaking sumagi sa kamay niya na may hawak na baso noong Linggo sa resort nila. Kaya pala pamilyar ito sa kaniya, at pansin niya na panay ang sulyap habang kumakain. Pamilyar din ang boses nito. Maari kayang matagal na siya nitong sinusubaybayan? Nang mahagip siya ng paningin ng dating asawa ay hindi inaasahang sumariwa sa kaniyang diwa ang ilang senaryo ng nakaraan-noong masaya pa silang nagsasama bilang mag-asawa. Aminado siya na hindi niya basta nakalimutan si Dwayne, lalo na’t nag-iwan ito ng mahalagang alaala sa kaniya-ang kanilang tatlong taong gulang na anak na lalaki-na kamukhang-kamukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD