Chapter 3

2479 Words
HINDI maialis ni Dwayne ang tingin sa dating asawa. Ang sarap nitong titigan. Miss na miss na niya ito at gusto niyang yakapin at halikan ngunit biglang umiwas ng tingin si Ingrid at hinarap si Clinton. Nag-usap ang dalawa. Nilapitan naman siya ng kaniyang former mother-in-law. Ingrid's parents were nice to him, and even they discovered his secrets, and Ingrid filed a divorce. He still felt their sympathy for him. “How’s your life, hijo?” puno ng pag-aalalang tanong ng ginang habang hawak ang kanang kamay niya. Katabi nito ang asawa na katatapos lang siyang kumustahin. “I’m, good, I guessed,” he said. He has to act like an amnesia patient. “Hindi niya maalala ang kasalukuyan niyang buhay, honey,” sabi naman ni Fernando na asawa ng ginang. “Oo nga. Pero baka may nagsabi na tungkol sa status niya ngayon,” anang ginang. “Eh paano niya malalaman? Wala siyang kaanak dito sa Pilipinas. Kaya nga pinapunta tayo rito ni Dr. Grande para tulungan si Dwayne.” “Oo na, ikaw na naman ang marunong.” Nagtalo pa ang mag-asawa. Natutuwa siya sa mga ito dahil hindi pa rin nagbago ang mga ugali. Bigla naman niyang naalala ang kaniyang mga magulang. Nag-aalangan din siya baka hindi siya tatanggapin ni Ingrid. “Ano po ang sabi ni Ingrid?” tanong niya sa mag-asawa. Si Gwen ang sumagot. “Eh nag-aalangan siya. But don’t worry, I know my daughter. She won’t refuse you.” Sinipat niya ang dating asawa. Maya-maya rin ang sulyap nito sa kaniya habang kausap si Dr. Grande. Seryoso ito at mukhang hindi pa makapagdesisyon. “Mas mainam po siguro kung hayaan muna nating makausap ni Ingrid ang pasyente,” pagkuwan ay sabi ni Clinton, sabay kindat sa kaniya. “Much better. Let’s go outside, Fernando,” ani ni Gwen sana kinaladkad palabas ng kuwarto ang asawa. Lumabas na rin si Clinton. Nakatayo lang sa gilid ng pintuan si Ingrid at tila natatakot lumapit sa kaniya. She’s being uneasy and can’t look at him straight. “Sweetie,” he said. He missed their endearment. Bumuntong-hininga si Ingrid at diretsong tumitig sa kaniya. “I can’t take it, Dwayne. What do you want?” she said with irritation in her voice. “I-I can’t remember anything before I got into this situation. I just thought about the moment where we’re together.” “Nag-divorce na tayo three years ago.” “Kailangan mo pa bang igiit ‘yan sa akin? I’m sorry. I need you. Please give me some time to recover.” Nanatili siyang matatag sa kabila ng emosyong tumitinag sa kaniyang drama. Humakbang palapit sa kaniya si Ingrid; may isang dipa ang pagitan nito sa kaniya. Sinuyod nito ng tingin ang kabuoan niya. “Look at yourself now. Halos hindi na kita makilala, Dwayne. At kaya ka nalagay sa sitwasyong iyan ay dahil pa rin sa kahibangan mong pagpasok sa grupo ng sindikato. I want peace of mind, Dwayne. Masaya na ako sa buhay ko matapos piliin ang layuan ka.” Pakiramdam niya’y may milyong punyal na tumarak sa kaniyang dibdib. Tila bumalik ang sakit na nadarama niya noong iniwan siya ni Ingrid. The wound was still fresh in his heart. “I didn’t mean to ruin your life, Ingrid. Kung talagang hindi mo na kaya akong makita, hindi kita pipilitin. Pero ikaw lang ang malalapitan ko sa panahong ito,” aniya sa malamig na tinig. “Bakit hindi ka humingi ng tulong sa mga kaibigan mo sa organisasyon?” “Wallace said that I already quit. Wala na akong koneksiyon sa organisasyon.” Panay ang buntong-hininga ni Ingrid. Tumalikod ito. Kinabahan siya sa isiping hindi talaga siya nito tutulungan. Kailangan makumbinsi niya ito nang hindi masayang ang effort niya. “I was broke, and I feel it even I couldn’t remember the time since you left me. But I’m sure that my decision to come here was not because of the organization; it’s you, Ingrid. Ikaw lang ang pamilya ko. Mas gugustuhin ko pang ikaw ang kasama kaysa sa ibang tao. I don’t need any treatment. I want you to care for me,” drama niya pero natural na lumalabas ang kaniyang emosyon. “I don’t want to refuse you, Dwayne, but it’s complicated now.” Nabasag ang boses nito. “Why? Are you married?” Kunwari wala pa siyang nalalaman sa buhay nito. “I’m engaged, and I love my fiance. Ayaw kong maapektuhan ang relasyon namin dahil sa ‘yo.” Hinarap siya nitong muli. Napaangat ang kaniyang ulo. “If your decision to get married is final, I will respect it. But at least help me to recover. Promise I won’t ruin your relationship with your fiance.” “You don’t get it, Dwayne. I don’t wanna hurt my fiance’s feeling if he knows about you.” “Wala naman akong gagawing masama. Hindi ko pipigilan ang pagpapakasal ninyo.” “Hindi pa rin puwede, Dwayne. I can’t promise to handle the situation without affecting my relationship with Jake!” He grinned. “If you don’t have feelings for me, you don’t need to be affected, Ingrid. You won’t be distracted even we’re living in one house,” he uttered. Nanlaki ang mga mata ni Ingrid. “Nakalimutan na kita, Dwayne.” “Then, don’t refuse me. Kahit ipadama mo lang sa akin ang care bilang kaibigan. Para namang wala tayong pinagsamahan.” Bumuga ng hangin si Ingrid. Mukhang mahihirapan siyang kumbinsihin ito. “Please, Ingrid, ikaw lang ang meron ako ngayon. Kung itatakwil mo pa ako--” “Okay!” She cut him off. Kumalma ang sistema niya. Pero hindi pa siya maaring magdiwang. “Ingrid,” sambit niya. Alam niyang mapusok ito at malambot ang puso lalo sa taong nagmamakaawa. “Fine. I will mind you until you fully recover, but it’s not for a lifetime, Dwayne,” sa wakas ay sabi nito. Umaliwalas ang kaniyang mukha. “Thank you, sweetie!” “And don’t call me that endearment, we’re done, Dwayne.” Dinuro siya nito. “Okay, hindi na.” “Take a rest and I will talk to your doctor again,” anito saka siya iniwan. Napasuntok siya sa hangin at pangisi-ngisi. Kabisado niya ang dating asawa kaya puno siya ng antisipasyon na makukuha ulit niya ang tiwala nito at pagmamahal. Bumalik naman ang mga magulang ni Ingrid. Unang lumapit sa kaniya ang ginang. Nahahalata niya ang excitement sa mga mata nito. Ganoon din naman ang asawa nito. Naalala niya, noong bagong kasal sila ni Ingrid ay minadali ng mga ito na magkaapo kaagad. “Pumayag na si Ingrid, hijo. Kapag maari ka nang lumabas, puwede ka munang tumuloy sa condo, o puwede rin naman sa bahay namin sa Makati,” sabi ng ginang. “Kung saan po gusto ni Ingrid, ayos lang po sa akin. Ang mahalaga ay pumayag na siya,” aniya. “I’m sure, doon ka niya iuuwi sa condo,” sabad naman ni Fernando. “Tama. Dapat sa condo ka lang nang magkasama kayo madalas. Doon kasi siya naglalagi at sa tuwing weekend ay naroon siya sa resort sa Tagaytay,” si Gwen. Napalis ang ngiti niya nang maalala ang fiance ni Ingrid. “Pero sabi ni Ingrid, engaged na siya sa boyfriend niya. Hindi kaya magkakaproblema?” aniya. “Ah, eh desisyon naman ito ni Ingrid. At saka walang magawa ang fiance niya. Mabuti nga kung hindi matuloy ang kasala,” usal ng ginang. Siniko ito ng asawa. Mariing kumunot ang noo niya. He’s right, and there’s something wrong with Ingrid’s fiance why her parents were obviously against the marriage. “May problema po ba?” hindi natimping tanong niya. Si Fernando ang sumagot. “Uh, wala naman, hijo.” Mamaya ay bumalik na si Ingrid kasama si Clinton. Nilapitan siya ng dating asawa. “Aalis muna kami. Babalik ako mamaya,” sabi ni Ingrid. “Okay, I will wait,” sabi niya lang. “Sige, Dwayne, bukas ulit kita dadalawin, ha? Pero baka babalik din ako mamaya, depende,” ani ni Gwen. “Sige po, salamat.” “Pagaling ka, Dwayne,” si Fernando. Ngumiti lang siya rito. Nang umalis na ang mag-anak ay saka lang siya nilapitan ni Clinton. Tinapik nito ang kanang balikat niya. “Nice acting, bro,” puri niyo. “You too. Thanks for the help,” wika niya. “No worries. Hindi pa tapos ang kalbaryo mo kaya huwag ka munang magdiwang. Maghanda ka na rin sa mga posibleng mangyari.” “I will. Basta huwag kang mawala sa contact ko.” Bumuga ng hangin si Clinton. “Honestly, it’s the first time in my life that I lied to a good person.” He grinned. “Sorry naman. Nang dahil sa akin kaya ka nakapagsinungaling. Pero nagawa mo pa ring pumasok sa BHO, ah. Aware ka ba sa mga gawain ng grupo?” “Oo naman. Actually, I need the BHO not because of money.” “Then what?” “It’s about the protection.” Mariing kumunot ang noo niya. Curious talaga siya sa pagkatao ni Clinton. “May mga kalaban ka ba?” “Not me. Ang kapatid kong lalaki na bunso at ang tatay ko. Napag-initan kasi sila ng malaking grupo ng sindikato dahil sa hindi inaasahang pagsira nila sa operasyon ng mga ito. My dad was a lawyer, and my brother was a policeman. Gustong gantian ng leader ng sindikato ang daddy ko at kapatid dahil sa pagpakulong nila sa anak ng leader ng sindikato na manufacturer ng ipinagbabawal na gamot. Delikado ang grupo, kaya humingi ng tulong ang daddy ko sa akin. He knew that I had membership benefits from the BHO, and he accepted my decision to use this group for our family protection,” kuwento nito. “Oh, I see. Malamang kilala ka na rin ng kalaban ng dad mo.” “Yes, but they failed to kill me. The BHO hitmen were always monitoring my life and family.” “That’s good.” “But, wait. Hindi ba dapat may proteksiyon ka pa rin mula sa BHO?” “Iyon na nga, umalis na ako. Nainis din sa akin si Yoshin dahil ilang beses ko siyang sinuway kaya pinabayaan niya ako. Mabuti nariyan pa rin si Wallace at tinutulungan ako.” “Be thankful to Wallace. And don’t mind Yoshin; he’s heartless. His principle was harder than stone.” “I know that. Kaya nga hindi na ako humihingi ng tulong sa kanila.” “What about your membership shares from the income?” “Ibinabalik ko sa kanila iyon. Gusto ko nang putulin nang tuluyan ang koneksiyon ko sa grupo.” “But your enemy was still hunting you. Kamuntik ka na ngang mamaalam sa mundo. Bakit hindi mo na lang hayaang aktibo ka sa BHO kahit walang presensiya sa grupo?” “Hindi iyon puwede kay Yoshin. Kailangan mag-participate ang miyembro sa mga aktibidad at misyon.” Lumuklok sa silya si Clinton at nagdi-kuwatro. “Kakaiba talaga si Yoshin. Pero balita ko palagi siyang umaalis at hindi nagpapakita sa headquarter.” “Bakit daw?” Kumibit-balikat si Clinton. “I don’t have an idea. I think he has family problem or relationship with a woman.” Hindi niya napigil ang kaniyang tawa. “Hindi iyon tungkol sa babae, bro. Walang balak mag-settle down si Yoshin. Kawawa ang babae sa kaniya.” “You’re right. Sana ma-realize rin niya na may mas exciting pa kaysa pamamahala ng syndicate group. Sayang siya. Matalino, magandang lalaki, maabilidad, pero ginagamit sa kasamaan. Kung sa bagay, halos pare-pareho lang tayo.” Ngumisi si Clinto. “Tangnang iyan. Kaya nga ako umalis sa grupo dahil hindi ko na masikmura ang mga kaganapan sa underground market.” “So, are you sure about your choosing path?” “Oo naman,” confident niyang tugon. Tawag nang tawag sa cellphone niya si Wallace pero hindi niya sinasagot. Hindi nito alam kung saan siya dinala ni Clinton. Wala ito sa condo nito noong umalis sila. “Ikaw na lang ang magpaliwanag kay Wallace, puwede? Ayaw ko siyang magpakita kay Ingrid at baka madulas ang dila ng malanding iyon,” pakiusap niya kay Clinton. “No problem. Ako ang bahala sa kaniya.” Tumayo na si Clinton. “Magpahinga ka lang. Next week ka pa maaring lumabas dahil may follow-up CT-scan ka pa at therapy,” anito saka muling tinapik ang kanang balikat niya. “Thanks, bro.” Ngumiti lang ito saka tuluyang umalis. Dumating naman ang rasyon niyang pagkain. Hindi niya maigalaw nang maayos ang kaliwang kamay niya na binalot pa ng benda dahil namamaga pero okay naman ang kanan. Hindi pa siya makatatayo kaya naka-catheter. Masakit pa ang ulo niya kaya hindi siya makagalaw nang maayos. Hindi na muna siya kumain. Itinabi lang niya ang tray sa mesita na abot kamay niya. Nahihilo siya kaya mariin siyang pumikit. Nakaidlip na siya pero biglang bumukas ang pinto. He urgently opened his eyes, and he saw Ingrid. She’s now wearing a red blouse and white jeans. Ang bilis naman nitong nakabalik. “Ang bilis mo, ah,” aniya. “My condo was just a walk away from this hospital,” she said. May bitbit itong paper bag. Kaagad nitong inilabas ang laman niyon na baunan pala ng pagkain. Napangiti siya nang inasikaso nito ang kaniyang pagkain. Pagkuwan ay lumuklok ito sa silya sa tabi ng mesita. “Don’t force to move your head,” she said. Lalapit kasi sana rito ang kaniyang ulo. Itinulak nito ang dibdib niya upang mapasandal siyang muli sa kama na bahagyang nakangat sa uluhan. “Susubuan mo ba ako?” tanong pa niya. “Yes,” tipid nitong tugon saka nilagyan ng pagkain ang kutsara at iniumang sa kaniyang bibig. Ibinuka naman niya ang kaniyang bibig at isinubo ang pagkain pero nakatitig siya sa magandang mukha ng dating asawa. Lalo itong gumanda. “You’re beautiful, Ingrid. I felt regret after knowing the truth that we’re already divorced. I’m sorry for all my fault,” he said in a husky voice. “I don’t wanna talk about the past, Dwayne. I’m here to mind you as part of my concern as your friend, and nothing special about it.” Masakit pa ring marinig na iginigiit ni Ingird na hindi na sila puwedeng magkabalikan. Pero hindi siya papayag sa ganoon. Gusto pa rin niya itong makasama. Hindi na siya kumibo at tahimik din si Ingrid habang sinusubuan siya ng pagkain. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ni Ingrid na nasa bag nito. Kinuha nito iyon at tiningnan ang caller. “Answer your call first,” sabi niya. Inilapag nito sa mesita ang plato ng pagkain saka tumayo. “Excuse me,” paalam nito saka lumabas. Nabitin siya sa pagkain kaya kinuha niya ang plato saka ipinatong sa kaniyang mga hita. Maingat siyang sumubo ng pagkain na hindi nagagalaw ang kaniyang ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD