Inanggulo niya ang kanyang ulo para halikan akong mabuti. Naramdaman ko ang paglumikot ng kanyang dila sa loob ng aking labi na tila nanunukso. Napaungol ako ng kanyang kagatin ang aking ibabang labi at lumayo sakin. Naliliyo akong nakatitig sa kanyang labi na parang isang bagay iyon na gusto kong' hingin. Pakiramdam ko ay kung hahayaan ko lang ng husto ang sarili ko ay mapapariwara ako ng husto. Dinilaan niya ang labi na basang basa mula sa aming halikan. Namula lalo ang kanyang labi dahil doon. "Ihahatid na kita." aniya at inantay ako na lumabas. Napapikit nalang ako ng mariin at dinamdam ang namamantal kong' labi. Umangkas ako uli sa kanyang motor at hinatid niya ako pauwi. Buong biyahe kami tahimik hanggang sa natanaw ko na ang aming bahay. "D-Diyan nalang sa gilid." tinuro k

