Chapter 4 (Kaibigan)

1249 Words
Gusto kong’ magkaroon ng kaibigan. Ngunit dahil sa sitwasyon ko ay tila ang hirap. Umuwi ako ng gabing iyon na pagod. Ang dami ko ring iniisip na mga bagay. Tulad ng...Kung katulad lang ako ng mga taong may kaya sa buhay ay hinding hindi ako magiging masama sa tulad ko. At kung sakali man na maabot ko ang pangarap ko sa huli, maging mayaman at success sa buhay ay tutulong ako sa kapwa ko lalo na at alam ko ang pakiramdam kung paano maging mahirap. Mabuti nalang at may kinita ako ng gabing iyon at may naibigay kay lola. Kinabukasan ay maaga akong naglaba para may maisusuot kami ni lola. Ang bahay ay preska ang hangin dahil sa napapalibutan ng malalaking puno at malapit sa dagat. Wala na kaming katabing bahay. Kung may kabahayan man dito ay malapit na iyon sa daan. “Meseeyah, apo.” si lola na nagmamadali. "Halika! Tignan mo ang binigay sa akin na damit ng kaibigan ko sa simbahan." Ngumiti ako at nagmamadaling hugasan ang kamay ko na may sabon. Dahil nga puyat ako kagabu ay si lola nalang ang nagsimba muna. Nakakatuwa kasi may mga kaibigan si lola na nagsisimba palagi tuwing linggo. "Ano iyan lola?" inayos ko ang mahaba kong' buhok at umupo sa tabi ni lola. Nasa pintuan kami ng aming bahay. "Heto! Ayan! Panty! Binigay iyan sakin ni Gloria." sabay bigay niya sakin ng pitong panty. "B-Bago?" halos mautal ako dahil nakita ko ang tag na nakasabit. Sa tanang buhay ko hindi ko matandaan kung kailan ako nakabili ng bagong panty. "Oo! Ang ganda di'ba? Tsaka ito! Binigay ni Tesia." halos mapanganga ako dahil puting bestida iyon at ang isa ay kulay brown. Kinuha ko iyon agad at isinukat sa katawan ko. "Maganda ba lola?" Tumango si lola at nakatitig sa aking katawan. "Dalaga kana talaga Mesee. Tingnan mo naman." hinila niya ako at nilapit sa kanya. "Ang dibdib mo noong nakaraang taon ay maliit ngunit ngayon biglaan ang paglaki." puna niya sa aking katawan. "Wala kang' ka buyon buyon. Ang balakang mo ay nakahubog ng perpekto. Naku! Mag iingat ka! Ang katawan mong iyan ay masyadong perpekto! Marami pa namang masasama ang loob ngayong panahon!" paalala niya sa akin. Natahimik ako at naalala ang mga araw na hinahalikan ni Moses ang dibdib ko at hinahaplos. Si Moses ang nakauna ng pagkainosente ko. Unang halik at haplos sa aking katawan ay siya ang nagpadanas sa akin. Napuna ko na simula nun' ay unti unting nagkaroon ng kurba ang aking balakang. Sa susunod na buwan pa naman ang ika-17th birthday ko pero dalagang dalaga na ako kung titingnan. Naisip ko rin iyong nasa yate nila ako dahil sa wala akong masakyan pauwi dito sa Isla Plaez, mabuti nalang at hindi ako pinagalitan ni Moses o anoman bagkos...Iilang halik ang aming pinagsaluhan. Pinilig ko ang aking ulo para mawaglit ang mga iyon sa aking kaisipan. Noong bata pa ako ay si lola na ang nakagisnan kong pamilya. Wala na si lolo noong limang taong gulang palang ako dahil nagkasakit at hindi na naipagamot. Kahit bata pa ako noon ay hindi ko makakalimutan kung gaano naghirap si lola ng mga oras na iyon. Dahil sa kawalan ng pera ay umaasa kami sa natural na gamot tulad ng paglaga at pagkain ni lolo ng gamot na dahon. Kahit 200 pesos ay inuutang pa ni lola para mabilhan ng kokonting gamot si lolo. Simula noon ay itinatak ko sa isipan ko na kung si lola ang magkasakit ay gusto ko na may pera ako kasi kung wala si lola ay hindi ko alam ang aking gagawin. Ang pangarap ko lang ay isang masayang pamilya, nakakakain ng tatlong beses sa isang araw at malusog na katawan para sa amin ni lola. Hindi ako nagsasawang magising araw araw upang magtrabaho o mag aral lalo na at alam kong' sa ikabubuti iyon namin ni lola. Buti nalang at Sabado ngayon wala kaming pasok. Ang pinakatinatatakutan ko talaga ay ang maiwan ng bangka pauwi galing eskwela. Alam ko kasi na walang magsasabi kay lola na hindi ako makakauwi kapag ganoon. Tinapos ko na ang paglalaba at si lola naman ay kumukuha ng kangkong sa gilid ng bahay. Pinagpagan ko ang bestida at inayos ang mga balde na ginamit pang laba. Pumasok na ako sa bahay para magsaing. Nang aking buksan ang lagayan ng bigas ay nakita kong' isang baso nalang ang nandoon kung susukatin. Kinagat ko ang aking labi at napagpasyahan na isasaing ko nalang ito para kay lola at manghihingi nalang ako kay sir George ng kamote para kahit hindi ako makakain ng kanin ay busog parin ako. Ang bahay namin ay medyo maputik dahil sa ulan kahapon. Kahoy ang pundasyon at ang ibang parte ng bubong ay natatakpan ng sako. Minsan tuwing malakas ang bagyo ay doon na kami ni lola natutulog sa waiting shed sa gilid ng daan. "Lola! " hinanap ko si lola ng makalabas ng bahay pagkatapos suotin ang bagong panty at putinh bestida. Tagaktak ang pawis nito ng lingunin ako kaya sakto na may dala akong pamunas para sa kanya. Binigay ko iyon... "Nagsaing na ako sa loob at may sardinas pa doon. Kayo na muna ang kumain. Pupunta lang ako kina sir George para humingi ng pananim na kamote." Tumango si lola. "Oh siya! Sige. Huwag magpagabi. Dalhin mo na ang dalawang tinapay doon ah! Malayo layo ang lalakarin mo." Dala ko nga ang tinapay ng umalis ako. Mabuti nalang maraming puno sa gilid ng daan kaya hindi mainit sa aking nilalakaran. Habang naglalakad ako ay napapansin ko ang buhaghag kong buhok mula sa aking anino. Kung noon ay bareta lang ang shampoo ko ngayon ay tinitipid ko ang isang sachet para lang makapagshampoo araw araw. Pero ang buhok ko ay ganoon parin. Tagaktak na ang pawis ko ng makadaan sa Plaza ng Isla Plaez at hindi sinasadyang makita ko ang pamilyar na bulto ng katawan. Agad kong inangat ang kamay para sana bumati kay Roman ngunit nabitin ito sa ere ng makita ko na kasama niya sina Moses at iilang kakilala. Halatang taga Manila ayon sa mga suot ng iilang babae. Takaw pansin talaga ang grupo nila dahil halatang dayuhan sila dito sa Isla. Unti unti kong pinagatuloy ang paglalakad at naramdaman ko na ang pagod ng aking mga paa. Pero kapag pagkain ang usapan ay hinding hindi ako mapapagod! Syempre! Pagkain na iyon e! Tsaka hindi naman nagmula sa masama. Napalayo na ako ng konti sa may Plaza ng may bumusina sa gilid ko. Napatili ako at nasapo ang aking dibdib. Nang bumaba ang bintana ng sasakyan ay nakita ko na si Roman iyon! Umawang ang labi ko at napangisi ako kahit na medyo suplado niya akong tinitigan. "Hop in.." mando niya at binuksan ko agad ang pintuan. Doon ko natanto ng makapasok ako ay nandoon pala si Moses sa likod at may hawak na sigarilyo! "What the hell...Roman? Are you serious?" boses ng babae na nakapulupot kay Moses ang kamay ang narinig ko. Anak ng tipaklong! "Why Charie? Hahatid natin siya. She's my friend." aniya ni Roman at halos hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko. "Hmmm..Saan ba pupunta ang kaibigan mo, Roman?" si Moses sa isang pilyong boses. Ako ang sumakay dito kaya tama lang na ako dapat ang sumagot. "Uh, kina sir George s-sana. Mangunguha ako ng kamote." sagot ko na ikimasinghap ng babae sa likod. Hindi ko na narinig pa ang anumang komento nila ng sabihin ko iyon bukod sa pag irap ng babae sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD