Kabanata 148 ANG akala ni Kei ay tinigilan na siya ni Monika sa pagsunod sa kanya pero hindi pa pala. Nakabuntot pa rin ito sa kanya. At hindi lang iyon ang ginawa ni Monika dahil nakipaghabulan ito ulit sa kanya. Inis siyang napapreno. Bumangga naman sa likuran niya ang sasakyan ni Monika. Nang tingnan niya ang side mirror ay bumaba si Monika sa sasakyan nito. "Ano na Kenjie! I'm waiting! Gagawin mo ba o hindi! Madali naman akong kausap! Do it or I'll ruin Kristina's life!" "f**k you Monika! f**k it!" galit niyang ani at gigil na gigil niyang pinagpapalo ang manibela. Tumunghay naman sa harapan niya si Monika. "Ano na Kenjie! Time is running out! Bilisan mo dahil kating-kati na ang mga kamay ko!" tumatawang wika ni Monika. "Fine! I'll do it!" galit niyang bulyaw dito at lumabas

