Kabanata 149 KRISTINA was heading back to the faculty room. Tapos na ang kanyang klase kaya bumalik na siya agad sa faculty room dahil limang files na lang ang tatapusin niyang i-comply para sa resignation niya. Matatapos na rin siya sa wakas. Umupo siya sa kanyang desk at napatungo rito habang nakaunan ang kanyang mga braso. She's not feeling so happy about it. Malungkot pa rin siya dahil isang linggo na siyang walang balita kung ano na ang nangyayari sa asawa niya. Wala talaga siyang natatangap kahit isang text man lang. Hindi niya rin makontak si Tito Frank. Parang iniiwasan siya nito at doon siya mas nagtataka dahil bakit ganoon siya tratuhin ni Tito Frank. Parang hindi siya asawa ni Kei kung makaiwas ito sa mga tawag niya. Napabuntong-hininga siya. Nawawala na nga siya nang gana n

