82 – All For You Summer’s Point of View Hindi mawala-wala sa isipan ko ang nabasa ko. Hindi ako makatulog—nakamasid lang ako sa mukha ni Alexander na payapang natutulog sa tabi ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang itanong sa kanya o hintayin ko siyang magsabi sa akin. I don’t know what he’s up to and it bothers me. He has done enough for me—a lot to be precise. Ayokong may isakripisyo pa siya higit sa mga ginawa niya para sa akin nitong mga nagdaang araw. Hinaplos ko ang mukha niya. Hindi ko sana intensyon na gisingin siya, pero ganoon ang nangyari. Marahan siyang nagbukas ng mga mata saka tumitig sa akin. “Hal...” sambit niya at matamis na ngumiti. “Aren’t you gonna sleep more?” “Hindi na,” tugon ko at hinaplos-haplos ang pisngi niya. “Sige na, balik ka na sa pagtulog,” malambing kon

