Buong lakas niyang tinulak si Akio palayo sa kanya matapos marinig ang nakakakilabot na mga sinabi nito sa kanya. Kinilabutan siya sa mga narinig niya mula kay Akio. Ano ba ang tingin nito sa kanya na isa siyang mumurahing babae lang, na basta kinalabit sasama na at bubukaka agad. "Napaka bastos mo, Akio!" Asik niya rito at umigkas ang kanyang kamay para sampalin si Akio deserve nito ang isang malakas na sampal mula sa kanya para magising ito sa katotohanan. Ngunit hindi nakadapo ang palad niya sa pisngi ni Akio dahil nahuli nito ang kamay niya. Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang kamay para pigilan ang balak niyang pagsampal rito. "Ano ba Akio!" Asik niya at pilit binabawi ang kanyang kamay rito. "Don't you dare hit me, sweetheart," mariing saad sa kanya ni Akio habang malalim ang m